Ano’ng Nangyari? Part 2

***para mas masaya, unahing basahin ang Ano’ng Nangyari? Part 1. pero kung ayaw mo naman, keri lang. kaw bahala.

ala-una ng hapon. hindi ako makauwi ng dorm. malakas ang ulan at wala akong dalang payong – at gamit. mabuti na lang dahil naisip kong tumambay muna sa PhySci lobby. nakita ko sila Krizelle at Gigi.

-Krizelle, pa’no kaya ‘ko uuwi? wala akong dalang payong eh.

-ayan si Gigi oh. sumukob ka na sa payong. papunta yang dorm.

magkaiba ang dorm namin ni Gigi kaya dapat sana mula sa dorm niya papunta sa dorm ko, magpapaulan na lang ako. pero mabait si Gigi. nag-abala pa siyang ihatid ako hanggang sa lobby mismo ng Unit 3.

pahabol na pasasalamat kay Krizelle, na siya palang may-ari ng payong na ginamit namin ni Gigi; at kay Gigi, na kahit mabasa ay inihatid pa rin ako sa dorm. malungkot ang mundo kapag walang mga taong kagaya niyo.

alas-dos y media ng hapon. nakasakay na ako ng jeep palabas ng campus dahil mabilis kong natapos ang Javascript quiz ni Sir Dulds sa CMSC100. pagdating ko sa sakayan ng bus, wala pang ibang mga commuters maliban sa’kin.

-sana may dumating kaagad na bus.

alas-tres ng hapon. wala pa ring bus. naiinip na ‘ko. labinglima na kaming mga naghihintay dito. tsk. tsk. tsk.

wala akong magawa habang naghihintay ng bus. napagdiskitahan ko tuloy magbilang ng mga dumadaang sasakyan.

hay salamat. pagkatapos ng ika-animnapu’t walong sasakyan na dumaan ay makakasakay na ‘ko.

alas-singko ng hapon. aargh! bumper-to-bumper ang traffic!

pagdating ng Muntinlupa nagsimulang bumagal ang takbo ng mga sasakyan. wala pa ring tigil ang buhos ng ulan. sa kasamaang-palad, hindi ako nagdala ng jacket. grabeng pangangatog ng tuhod ang inabot ko dahil sa sobrang lakas ng aircon sa bus na sinakyan ko. itinulog ko na lang para mainda ang lamig na makapanginig-panga.

alas-sais ng hapon. isang oras din akong natulog. nagising ako para malaman na nasa Muntinlupa pa rin ang bus at maramdamang hindi na ‘ko nilalamig. napabuntong-hininga na lang ako sa pagkainip.

napatingin ako sa labas. may nakita akong kung anong lumilipad sa langit, na kung titingnan ay parang UFO. tinitigan kong mabuti. magla-landing lang palang eroplano. unang makikita sa malayo ang maliit at umiilaw na bagay. ilang minuto lang ay isa ng malaking eroplanong lumilipad sa ibabaw ng mga sasakyan. nakakatuwang panoorin ang nakita kong pitong sunod-sunod na eroplanong nag-landing.

alas-siete y media ng gabi. sa wakas, nasa Mantrade na. pero wala pa ring tigil ang ulan at mabagal pa rin ang takbo ng traffic. hay anong oras kaya ako makakarating sa bahay?

nilalamig na naman ulit ako. naiinggit na ‘ko sa katabi kong may jacket.

alas-nuebe ng gabi. grabe! isang sakay na lang, nasa bahay na ‘ko. hassle ang bitbit kong backpack sa pag-akyat sa mataas na overpass. sabayan pa ng walang tigil na ulan.

sa loob ng jeep…

-bayad po. NGI. isang estudyante.

-piso pa.

-manong estudyante po ‘yan.

pambihira naman. piso na nga lang e. pero sabagay, sa panahon ngayon importante na din yung piso.

-paki-abot nga po ‘tong piso. salamat po.

alas-diyes ng gabi. dumating ako ng bahay na basa, nilalamig at gutom. almost 6 hours na biyahe. hay. di bale na. it’s good to be back home and i thank God for keeping me safe and sound.

ala-una y media ng madaling araw. ako na lang ang mulat pa sa buong bahay at gumagamit pa rin ng internet – at nagta-type ng Ano’ng Nangyari? Part 1

woot. na-miss ko ang up-to-sawang paggamit ng internet. sulitin muna habang nasa bahay pa for the weekend.

alas-dos ng madaling araw. hindi ko na tinapos ang Ano’ng Nangyari kaya ginawa kong dalawang parts. dinalaw na ako ng antok. i’ve been up since 4 a.m. kailangan ko ng matulog. siyempre pray muna.

whew. nakakapagod ang araw na ‘to. but, after all, it really is God’s grace that saves the day.

Advertisements

Kailan Kaya Babagsak Ang Ulan?

gray ang kulay ng langit. maya-maya lang maririnig ko na ang pagpatak ng ulan sa yerong bubong ng aming bahay.

sa pagbaba ng mga patak na ito mula sa kalangitan, ay siya namang pag-akyat ng mga pangyayari at alaala sa ibabaw ng karagatan ng nakaraan. dahil kapag umuulan, nagiging emosyunal ako. hindi ko alam kung dala nga lang ba ito ng kalungkutang kakabit na ng salitang ulan o kung sadyang kakabit na ito ng aking pagkatao.

ayaw ko kapag nagiging emosyunal ako. ayoko kasi ng inuungkat pa ang aking mga alaala. i’m the sort who doesn’t dwell in the past.

teka. hindi naman purong gray lang ang kulay ng langit ngayon. hayun at maliwanag sa banda roon ng langit. natutuwa naman ako. may posibilidad na hindi ako magreminisce ngayon.

pero hintayin na lang natin. kapag umulan, hihimlay na lang ako sa’king malambot na kama. hahayaan kong dalhin ako ng masarap sa pandinig na pagpatak ng ulan sa mundo ng mga panaginip. hindi ko kasi feel magreminisce ngayon kaya matutulog na lang ako.

at kung matalo naman ni Haring Araw ang pagdidilim ng langit, eh ipagdiriwang ko ang kanyang pagtatagumpay at muling magpapatuloy sa buhay hanggang sa matapos ang araw na ito.