Rebyu: Dos Mil Diez ni Singkamas

Wala namang importante sa entry na ‘to. Nirebyu ko lang naman ang mga naganap sa ‘kin at sa ibang taong nakapaligid sa ‘kin sa taong Dos Mil Diez.

P.S. Sorry for the low quality of some images. Camera phone ko lang ginamit sa kanila.

January

  • Field trip sa PSY1 (Exploring the Self: Thoughts, Feelings, and Actions) na hindi ko masyadong na-enjoy dahil wala akong kaklaseng kilala sa mga kasama ko maliban sa isa na hindi ko naman ka-close (di kasi ako FC o feeling close e, haha) at hindi gaanong kinakausap.

Itineraries:

    • Brahma Kumaris Center for Spiritual Learning – Kung saan wala marami akong natutunan. Isa na roon ang katotohanang masarap rin pala ang vegetarian pancit, vegetarian muffin at vegetarian cookie. Oo, yung pagkain lang ang natatandaan ko sa lugar na ‘to.
    • Tagaytay Picnic Grove – Ang gasgas ng pasyalan ng mga estudyanteng nagfi-field trip at nagagawi sa Tagaytay pero ibang experience ko dito this time. Mag-isa kong inikot at tinanaw ang kagandahan ng lawa at bulkang Taal. :(
    • Mushroom Burger – Hindi naman ‘to talagang kasama sa itineraries pero isinama ko na rin sa listahan dahil nag-stop-over pa rin naman kami dito. Di rin naman ‘to importante. Ang binili ko rito e, hulaan mo kung ano… Yun na nga yun. ipagpatuloy ang pagbabasa sa Rebyu: Dos Mil Diez ni Singkamas

Anong Nakain Mo’t Maaga Ka?

Nyahaha. Nakalunok ako ng isang tableta ng Kasipagan. Epektib. ‘Etong epekto ng nasabing tableta.

User interface ng project ko sa CMSC150. Dalawang oras ko rin yang binuno. Ang dami kayang copy-paste na ginawa ko dahil sa sandamakmak na checkboxes na ‘yan kasama pa labels nila. Sabi ko naman sa’yo, epektib ang nalulon kong tableta ng Kasipagan… for only 2 hours. Oo. Di ko pa tapos ang project na ‘yan. Wala pa ang mismong laman ng proyekto. Yung mismong magpapagana sa UI na ‘yan? Puro coding na kasi yun… at hindi ko pa naman tipong gawin ang coding. Okay lang yun. May natitira pa naman akong dalawang linggo hanggang sa sumapit ang gabi ng pagca-cramming sa pag-code ng proyektong ‘to. : |