Ano’ng Nangyari? Part 1

alas-kwatro ng umaga. nasa corridor ako ng ICS at nagmamadaling naglalakad papunta sa bulletin board. naka-post kasi dun ang CMSC124 exam result. gusto kong malaman kung pumasa ba ako. sakto namang nasa tapat na ako ng nasabing bulletin board nang… rrrriiiinngg… rrrriiiiingggg.

agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ng maalimpungatan ako sa maingay na pagri-ring ng aking alarm clock. pambihira naman o! sa panaginip ko na nga lang malalaman na may pag-asa pa ‘kong pumasa sa exam na ‘yon, naudlot pa! tsk. tsk. tsk.

ok sige. ganito na lang. 10 mins pa ha? baka sakaling ma-continue yung nahinto kong panaginip at malaman na pumasa pala ‘ko.

alas-singko ng umaga. kung hindi ko lang sana ipapasa mamaya ang assembly program na ito, edi sana ngayon nakikipagniig pa ang ulo ko sa malambot kong unan. umuulan pa man din at masarap matulog hmp.

hala. ang aga-aga e ginugulo ang isip sa pagte-trace ng nakakabuang na substring checking. idagdag pa kung saang mga registers ilalagay ang kung anu-ano pati na rin kung saan ba maglalagay ng mga jumps at mga program calls. wahaa magulo. ayun. ang aga-aga, reklamo kagad.

pa’no nga ba naman gaganda ang araw mo niyan?

alas-singko y media. wahaha. solo ko ang buong CR ng Unit 3 1st floor!

mabuti naman at walang nakapilang mga kapwa ko dormers sa shower cubicle. mas marami pa man din ang mga naliligo tuwing miyerkules at biyernes. sabagay, maaga pa lang nang pumasok ako. magtataka pa ba ako kung bakit wala akong mga kasabay? malamang mga tulog pa! masarap matulog ngayon. malamig at maulan.

alas-otso ng umaga. kung kelan naman malapit na ‘ko sa PhySci, saka naman humirit ang sirenang kung tumunog ay dinig sa buong lower campus. ibig sabihin, 8 o’clock na ang universtity time sa mga oras na iyon.

hayan, late na naman ako. pero di pa naman yata recorded ‘to. 5 mins late lang naman e.

alas-diyes ng umaga. salamat sa katangahan kong ilagay ang naka-plastic na Coke sa loob ng bag kahapon kaya’t pumutok at bumulwak sa loob mismo ng bag. yan tuloy, ang itsura ng mga readings at notebook ko ay para bang mga nagsipag-swimming sa tubig-baha. dahilan para hindi ako magdala ni papel o ballpen man lang. pati flash disk ko na laman ay yung ginawa kong program kaninang madaling-araw, iniwan ko rin! nangapa tuloy ako sa paggawa ng exercise sa PC Lab at puro not substring ang result ng ipinasa ko kay Maam. Di bale na, may partial points naman eh.

Salamat nga pala sa mga sumusunod na mga sponsors ko para sa araw na ‘to: Angela, for the paper you’ve provided; Eleasah, for your pen which I’ve borrowed for a moment; Angel, for letting me use your sign pen at siyanga pala, sorry naubos ko yung tinta. Babayaran na lang kita ng bagong sign pen. Muli, nagpapasalamat ako dahil hindi ko mairaraos ang araw na ‘to kung wala kayo. <emo lang ba?>

One thought on “Ano’ng Nangyari? Part 1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s