The 21st Century Indolent Filipinos

So, gaya ng nabanggit ko sa huli kong post, napagtripan ko ngang ilagay ang ipinasa kong synthesis paper sa PI 100 (o di ba? paborito kong subject this sem ang PI 100 dahil siya na naman ang bida sa post na ‘to at sa blog na ‘to for the nth time) sa blog na ‘to.

Anyway, ni-limit lang ni Peyborit Prof (NOT!) ang saklaw ng idi-discuss sa synthesis paper sa ilang writings ni Rizal, namely, Noli Me Tangere and El Filibusterismo, his letter to the women of Malolos or The Indolence of the Filipinos. Pinili ‘kong huli kasi wala lang. Indolent kasi ako. So anyway, ang susunod na mababasa mo e produkto ng aking pagka-indolent. Napaka-mediocre ng gawang ‘to so guilty ako ng paglabag sa motto ng aking pamantasang pinapasukan: Honor and Excellence. Basahin ang bunga ng indolence ni Singkamas

Wala Lang

Rhythm of Love by Plain White T’s

So ano naman yung audio na yun? Wala lang. Sanlinggo na kasing naka-replay mode sa utak ko. Tutal e wala rin lang namang kwenta ‘tong post na ‘to, malagyan na rin ng walang relevance na laman.

Teka, speaking of walang kwenta, ilang linggo na rin yatang walang kwenta ang mga pinopost ko. Puro kwento lang sa mga nangyayari sa pangkaraniwan kong existence sa mapa ng mundo. Pero sige, para maiba naman, sa next post ko e baka mapagtripan kong ilagay ang synthesis paper na ipapasa ko para sa PI100. (Ano ba yun? PI100 na naman? Pansin ko lang, siya na lang laging naii-special mention sa mga post ko. Kasi PI100 lang subject ko ngayong sem. Siya lang talaga. NOT. Pa-espesyal lang talaga si Rizal. Dyahe naman kasi kung ibabagsak ko pa ‘tong Rizal course na ‘to. May posibilidad kasi e.)

O siya sige. Tapusin na ‘tong walang kwentang rant na ‘to. Magluluto pa ‘ko ng ispageti. Walang may birthday. Meryenda lang yun. Isang linggo ko na rin kasing hinahanap-hanap ang lasa niya.

 

The Week That Was My UPLBFebFair’11

Monday. Valentines’ Day. Hearts’ Day. Puso Day. Single Awareness Day. O ano pa mang gusto mong itawag sa okasyon tuwing February 14.

Nag-date kami ng alaala ni Jose Rizal sa lecture ni Dr. Floro Quibuyen na ni-require kong attendan ng sarili ko dahil dalawang magkahiwalay na incentives sa dalawang subjects ang mapapala ko. Ang aral na natutunan ko sa lecture na ‘yon ay maraming marami?