Wala Lang

Rhythm of Love by Plain White T’s

So ano naman yung audio na yun? Wala lang. Sanlinggo na kasing naka-replay mode sa utak ko. Tutal e wala rin lang namang kwenta ‘tong post na ‘to, malagyan na rin ng walang relevance na laman.

Teka, speaking of walang kwenta, ilang linggo na rin yatang walang kwenta ang mga pinopost ko. Puro kwento lang sa mga nangyayari sa pangkaraniwan kong existence sa mapa ng mundo. Pero sige, para maiba naman, sa next post ko e baka mapagtripan kong ilagay ang synthesis paper na ipapasa ko para sa PI100. (Ano ba yun? PI100 na naman? Pansin ko lang, siya na lang laging naii-special mention sa mga post ko. Kasi PI100 lang subject ko ngayong sem. Siya lang talaga. NOT. Pa-espesyal lang talaga si Rizal. Dyahe naman kasi kung ibabagsak ko pa ‘tong Rizal course na ‘to. May posibilidad kasi e.)

O siya sige. Tapusin na ‘tong walang kwentang rant na ‘to. Magluluto pa ‘ko ng ispageti. Walang may birthday. Meryenda lang yun. Isang linggo ko na rin kasing hinahanap-hanap ang lasa niya.