Kailan Kaya Babagsak Ang Ulan?

gray ang kulay ng langit. maya-maya lang maririnig ko na ang pagpatak ng ulan sa yerong bubong ng aming bahay.

sa pagbaba ng mga patak na ito mula sa kalangitan, ay siya namang pag-akyat ng mga pangyayari at alaala sa ibabaw ng karagatan ng nakaraan. dahil kapag umuulan, nagiging emosyunal ako. hindi ko alam kung dala nga lang ba ito ng kalungkutang kakabit na ng salitang ulan o kung sadyang kakabit na ito ng aking pagkatao.

ayaw ko kapag nagiging emosyunal ako. ayoko kasi ng inuungkat pa ang aking mga alaala. i’m the sort who doesn’t dwell in the past.

teka. hindi naman purong gray lang ang kulay ng langit ngayon. hayun at maliwanag sa banda roon ng langit. natutuwa naman ako. may posibilidad na hindi ako magreminisce ngayon.

pero hintayin na lang natin. kapag umulan, hihimlay na lang ako sa’king malambot na kama. hahayaan kong dalhin ako ng masarap sa pandinig na pagpatak ng ulan sa mundo ng mga panaginip. hindi ko kasi feel magreminisce ngayon kaya matutulog na lang ako.

at kung matalo naman ni Haring Araw ang pagdidilim ng langit, eh ipagdiriwang ko ang kanyang pagtatagumpay at muling magpapatuloy sa buhay hanggang sa matapos ang araw na ito.

3 thoughts on “Kailan Kaya Babagsak Ang Ulan?

  1. kulang pa idadagdag ko:

    “isama mo pa ang mahalimuyak na amoy ng basang damuhan na magpapagaan ng iyong pakiramdam.”

    ang galing nung aso mo nakaabang sa bintana.

    Like

    • aw salamat. maganda ang kaisipang napapaloob sa iyong karagdagan. kaso di ko naisip yun. walang damong mababasa sa paligid ng aming kabahayan.

      siyanga pala, isang pusa si mimo.

      Like

  2. ‘yang ulan naman kasi, andaming pa-emote na dala… :s

    naisulat mo na. tapos na yon. naitulog mo na [nang maraming beses]. hindi ka na gagambalain. or, at least, that’s what we’d like to believe, he, he…

    nangungulit lang. :]

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s