2011: To-Dos, Must-Have, Expectations, Etc.

Napakabilis ng araw dahil 358 days na lang, Pasko na! Pero parang mabagal pa rin. It was just last year two days ago. Nagpapaputok pa nga rin ngayon ang ilan naming kapitbahay at sa buong maghapon na ito, pagkakuwan ay napagkakatuwaang hipan ng mga bata ang mga torotot nila.

Pero mabilis na rin talaga (oo, ako nang magulo). E paano ba naman, may pasok na kaagad sa Martes. Unang linggo pa lang ng taon, masigabo at mainit na pagbati kaagad ang isasalubong sa ‘kin ng ilang mga schoolwork at academic-related stuff. Long exam at proyektong ipapasa sa HIST1. PowerPoint Presentation para sa undergraduate seminar next week. First draft para sa Special Problem. Konti lang? Oo, pero bawat isa naman sa mga yun e basahin ang karugtong

Rebyu: Dos Mil Diez ni Singkamas

Wala namang importante sa entry na ‘to. Nirebyu ko lang naman ang mga naganap sa ‘kin at sa ibang taong nakapaligid sa ‘kin sa taong Dos Mil Diez.

P.S. Sorry for the low quality of some images. Camera phone ko lang ginamit sa kanila.

January

  • Field trip sa PSY1 (Exploring the Self: Thoughts, Feelings, and Actions) na hindi ko masyadong na-enjoy dahil wala akong kaklaseng kilala sa mga kasama ko maliban sa isa na hindi ko naman ka-close (di kasi ako FC o feeling close e, haha) at hindi gaanong kinakausap.

Itineraries:

    • Brahma Kumaris Center for Spiritual Learning – Kung saan wala marami akong natutunan. Isa na roon ang katotohanang masarap rin pala ang vegetarian pancit, vegetarian muffin at vegetarian cookie. Oo, yung pagkain lang ang natatandaan ko sa lugar na ‘to.
    • Tagaytay Picnic Grove – Ang gasgas ng pasyalan ng mga estudyanteng nagfi-field trip at nagagawi sa Tagaytay pero ibang experience ko dito this time. Mag-isa kong inikot at tinanaw ang kagandahan ng lawa at bulkang Taal. :(
    • Mushroom Burger – Hindi naman ‘to talagang kasama sa itineraries pero isinama ko na rin sa listahan dahil nag-stop-over pa rin naman kami dito. Di rin naman ‘to importante. Ang binili ko rito e, hulaan mo kung ano… Yun na nga yun. ipagpatuloy ang pagbabasa sa Rebyu: Dos Mil Diez ni Singkamas