Kailan Kaya Babagsak Ang Ulan?

gray ang kulay ng langit. maya-maya lang maririnig ko na ang pagpatak ng ulan sa yerong bubong ng aming bahay.

sa pagbaba ng mga patak na ito mula sa kalangitan, ay siya namang pag-akyat ng mga pangyayari at alaala sa ibabaw ng karagatan ng nakaraan. dahil kapag umuulan, nagiging emosyunal ako. hindi ko alam kung dala nga lang ba ito ng kalungkutang kakabit na ng salitang ulan o kung sadyang kakabit na ito ng aking pagkatao.

ayaw ko kapag nagiging emosyunal ako. ayoko kasi ng inuungkat pa ang aking mga alaala. i’m the sort who doesn’t dwell in the past.

teka. hindi naman purong gray lang ang kulay ng langit ngayon. hayun at maliwanag sa banda roon ng langit. natutuwa naman ako. may posibilidad na hindi ako magreminisce ngayon.

pero hintayin na lang natin. kapag umulan, hihimlay na lang ako sa’king malambot na kama. hahayaan kong dalhin ako ng masarap sa pandinig na pagpatak ng ulan sa mundo ng mga panaginip. hindi ko kasi feel magreminisce ngayon kaya matutulog na lang ako.

at kung matalo naman ni Haring Araw ang pagdidilim ng langit, eh ipagdiriwang ko ang kanyang pagtatagumpay at muling magpapatuloy sa buhay hanggang sa matapos ang araw na ito.

Ano Nga Ba’t Naiinggit?

..kahapon..

..nakita ka raw..

..ng kapatid ko..

..naglalakad..

..kasama ang isa..

..sa mga kabarkada mo..

..na dating..

..kabarkada ko rin..

..ilang taon na..

..ang lumipas..

..mula..

..ng huli kitang..

..nakita..

..kaya..

..ngayon..

..nariyang..

..nakasiksik..

..sa kung saang sulok..

..ng isang silid..

..na puno..

..ng mga alaala..

..at mga emosyon..

..ang pag-agam-agam..

..ang pagkainggit..

..at pagnanais..

..na ako na lang sana..

..ang nasa kinatatayuan..

..ng aking kapatid..

..kahapon..