Rebyu: Dos Mil Diez ni Singkamas

Wala namang importante sa entry na ‘to. Nirebyu ko lang naman ang mga naganap sa ‘kin at sa ibang taong nakapaligid sa ‘kin sa taong Dos Mil Diez.

P.S. Sorry for the low quality of some images. Camera phone ko lang ginamit sa kanila.

January

  • Field trip sa PSY1 (Exploring the Self: Thoughts, Feelings, and Actions) na hindi ko masyadong na-enjoy dahil wala akong kaklaseng kilala sa mga kasama ko maliban sa isa na hindi ko naman ka-close (di kasi ako FC o feeling close e, haha) at hindi gaanong kinakausap.

Itineraries:

    • Brahma Kumaris Center for Spiritual Learning – Kung saan wala marami akong natutunan. Isa na roon ang katotohanang masarap rin pala ang vegetarian pancit, vegetarian muffin at vegetarian cookie. Oo, yung pagkain lang ang natatandaan ko sa lugar na ‘to.
    • Tagaytay Picnic Grove – Ang gasgas ng pasyalan ng mga estudyanteng nagfi-field trip at nagagawi sa Tagaytay pero ibang experience ko dito this time. Mag-isa kong inikot at tinanaw ang kagandahan ng lawa at bulkang Taal. :(
    • Mushroom Burger – Hindi naman ‘to talagang kasama sa itineraries pero isinama ko na rin sa listahan dahil nag-stop-over pa rin naman kami dito. Di rin naman ‘to importante. Ang binili ko rito e, hulaan mo kung ano… Yun na nga yun. ipagpatuloy ang pagbabasa sa Rebyu: Dos Mil Diez ni Singkamas

Kailan Magsisimula ang Katapusan?

Kailan nga ba? Ewan. Kung katapusan lang din ng semestre ang tinutukoy ko, ngayon na yun. Oo. Ngayon na nagsisimula ang katapusan ng semestre ko. Pumasok na kasi ang kaunahan sa mga -ber months. Malapit na ang Pasko. Merry Christmas sa ‘yo. Ayan. Dahil nagsisimula na ang katapusan ng semestre ko, humahaba na ulit ang kinatatakutan kong To-Do list. Kinatatakutan? Kasi mangangahulugan na naman ito ng (1) sandamakmak na energy drinks at kapeng kailangang laklakin, (2) mga eyebags na lilitaw muli matapos na di ko masilayan ng tatlong buwan,  (3) mga gabing hindi magba-bonding ang aking kama’t katawan, ulo’t unan; at (4) zombie-mode on.

Sa ngayon, ang mga sumusunod pa lang ang umookupa ng nasabing kinatatakutang listahan (In no order of priority. Ewan ko kung anong uunahin ko. Bahala na):

  • CMSC150 project : Diet Problem
  • CMSC150 Exercises 6-9
  • CMSC150 review for third long exam
  • CMSC141 Fractals (JFLAP-Turing Machine)
  • CMSC137 project : Bomberman (Networking Game)
  • ENG10 research proposal  (initial draft)
  • ENG10 review for pre-finals
  • JAP10 review for third long exam

Hay. Tinitingnan ko pa lang ang TO-DO list na yun, tinatamad na ‘ko. Wala pa ‘kong nasisimulan kahit isa. Masyado akong nag-eenjoy sa long weekend. Masaya kasing matulog lang at iwan muna ang nakaka-stress na schoolwork.

Kailangan ko na ulit ma-realize na nagsisimula na ang katapusan at dahil dun ay kailangan ko na ring simulan ang mga items na nakasulat sa ‘king kinatatakutang listahan.

***

Mag-pa-plug lang ako. Hehehe.

Para sa mga nakakaalam sa bandang Anberlin, nag-release na sila ng kanilang latest album,  Dark is the Way, Light is the Place, nito lang nakaraang September 7. Ayun. Wala lang. Na-LSS kasi ako sa kanta nilang Art of War.

There are songs, I’ll never write,
Because of you, walking out of my life.
There are words, that don’t belong,
Because of you, I’ll never write another love song.

-Art of War, Anberlin

Kailan nga Pala ang Malapit Na?

Malapit na ang bakasyon. Excited na ‘ko dahil pagkatapos ng bakasyon, mag-oojt na ‘ko at pagkatapos ng summer, 4th year na ‘ko sa sunod na pasukan. Ibig sabihin lang, malapit na rin akong grumadweyt. Malapit na din na maghanap ako ng trabaho at pagkakakitaan sa buhay.

Datapwat, ngunit, subalit, pero bago ang lahat ng ‘yon, sandamakmak at sangkaterba munang kape at energy drinks ang dapat kong laklakin sa mga gabing hindi makakaniig ng ulo ko ang unan sa kama.

Malapit na ang bakasyon…

Kaya nga’t nagsisimula ng dumagsa ang mga projects na ibinibigay ng mga propesor at instructors ko.

Malapit na ang bakasyon…

Kaya nga’t di ko na malaman kung paano ko hahatiin ang aking sarili sa kabi-kabilang pagpapatawag ng mga group meetings.

Malapit na ang bakasyon…

Kaya nga’t tapos na ang hibernating season ng aking mga eyebags.

Malapit na ang bakasyon…

Kaya’t no’ng isang gabi lang ay hindi ako umuwi ng dorm, bagkus ay nag-overnight sa Boston Cafe at pinilit tapusin ang isang requirement.

Ayaw ko ng mga ganitong klaseng group meetings. Yung mga tipong you have to pull an all-nighter para may matapos (o kung hindi man e para may partially finished) na trabaho. Bakit ayaw ko? Kasi masarap matulog… at dahil all-nighter yung ginagawa ko, di ko nararanasan ang sarap ng tulog. Ayaw ko rin dahil naaapektuhan ang mood ko kapag wala akong tulog. Nagiging bugnutin ako at ‘wag na ‘wag mo ‘kong iinisin dahil baka kung anong kapahamakan lang ang mangyari sayo.

Gusto ko ng mga ganitong klaseng group meetings. Bakit gusto ko? Kasi na-eenjoy ko yung company. Kahit ba sabihing academic work yung ginagawa namin, nandun pa rin yung concept ng bonding. Nagiging kaibigan ko yung mga naging groupmates ko na dati ay hindi ko man lang kilala o pinapansin. Masaya yung mga ganitong group meetings. Mararamdaman mo yung cooperation ng bawat isa sa grupo. Siyempre yung mga present lang sa meeting. Gusto ko ng mga ganitong klase ng group meetings dahil nakakatuwang tingnan ang mga teammates ko na nagtutulungan to achieve a common goal, which is matapos ng maayos ang project na ginagawa. Isa pang dahilan ng pagkatuwa ko e nahahatak pataas ang grades ko pagkatapos ng sem. Dahil group project, kung mataas ang ibinigay na grade para sa project, lahat ng group member ay mataas ang makukuha. Malas ko na lang kapag nahatak ako pababa.

***

Wire extension yan ng groupmate ko na isinaksak sa isa sa mga sockets sa Boston Cafe nung mag-overnight kami sa paggawa ng project. Software development ang ginagawa namin kaya mga plugs ng mga laptop namin yan. Hindi lang ang grupo namin ang nasa kapehan ng gabing yun, may tatlo pang iba. Bawat grupo ay may limang miyembro at bawat miyembro ay may sariling laptop. I’m letting you do the math. Anyway, ang epekto? Nagkaubusan ng wall sockets sa Boston Cafe ng gabing yun. Ang bagal din ng connection dahil sa dami ng nag-aagawan sa wifi signal. Siyempre hindi lang kaming mga ComSci ang nandun. May iba pa rin namang customer ang nabanggit na kapehan.

Di nga pala pwedeng mag-connect o gumamit ng wifi signal kapag walang item na na-purchase sa kanila. E ang mahal naman yata ng kape nila. Dahil mga estudyante kami at nagtitipid, at least isang member per group ang bibili ng kape pero lahat sa group ay makakagamit ng wifi at makakapag-charge ng battery. Pumasok kami ng alas-otso ng gabi. Lumabas kami ng alas-singko ng umaga. Tingin ko e hindi naman nalugi ang Boston Cafe dahil sa ginawa namin. Medyo lang?