Pagkain at Pag-aaral

Cellular Mitosis (Krispy Kreme)

Pfft. Pagkain na nga lang, sasamahan pa ng academic stuff. Edi ano ka na nun? Geek?

Tsk. Ano yun meron ka na ring so much hunger for knowledge? Sabagay, nakakagutom talaga ang knowledge kung ganitong eksenang matatagpuan sa study table ko.

Hay. Kung ganito nga rin lang naman na kasama ang pagkain as illustration ng bawat complicated theories, concepts or any other academic stuff, naku, learning would be really really an enjoyable and interesting and delicious experience… Gaganahan talaga ‘kong mag-aral unlike now na medyo tinatamad ako.

Wala lang. Naisip ko lang. Masarap (literally and figuratively speaking) talaga sigurong mag-aral kung ganito makikita ko lagi sa study table ko. Busog na tiyan ko, busog pa utak ko.

Advertisements

Rebyu: Dos Mil Diez ni Singkamas

Wala namang importante sa entry na ‘to. Nirebyu ko lang naman ang mga naganap sa ‘kin at sa ibang taong nakapaligid sa ‘kin sa taong Dos Mil Diez.

P.S. Sorry for the low quality of some images. Camera phone ko lang ginamit sa kanila.

January

  • Field trip sa PSY1 (Exploring the Self: Thoughts, Feelings, and Actions) na hindi ko masyadong na-enjoy dahil wala akong kaklaseng kilala sa mga kasama ko maliban sa isa na hindi ko naman ka-close (di kasi ako FC o feeling close e, haha) at hindi gaanong kinakausap.

Itineraries:

    • Brahma Kumaris Center for Spiritual Learning – Kung saan wala marami akong natutunan. Isa na roon ang katotohanang masarap rin pala ang vegetarian pancit, vegetarian muffin at vegetarian cookie. Oo, yung pagkain lang ang natatandaan ko sa lugar na ‘to.
    • Tagaytay Picnic Grove – Ang gasgas ng pasyalan ng mga estudyanteng nagfi-field trip at nagagawi sa Tagaytay pero ibang experience ko dito this time. Mag-isa kong inikot at tinanaw ang kagandahan ng lawa at bulkang Taal. :(
    • Mushroom Burger – Hindi naman ‘to talagang kasama sa itineraries pero isinama ko na rin sa listahan dahil nag-stop-over pa rin naman kami dito. Di rin naman ‘to importante. Ang binili ko rito e, hulaan mo kung ano… Yun na nga yun. ipagpatuloy ang pagbabasa sa Rebyu: Dos Mil Diez ni Singkamas

EPIC!!! Why is this day EPIC? Part 1

This day is EPIC!

Bakit?

Ngayon ang araw na nainlab ako sa isang lalaking… hmmm… wala akong maisip na description.

Nyahaha. Di totoo yun. Kasi wala naman talaga akong lalaki na kinainlaban ngayon. :P

Na-miss ko lang naman ang final exam sa Japanese Language class ko. Idagdag pa dito na napalabas ako sa removal exam ko sa Statistics at kulang-kulang singkwentang pares ng mata ang nakapansin sa grand exit ko.

Nagsimula ang EPIC na araw na ‘to sa ipagpatuloy ang pagbabasa