Rebyu: Dos Mil Diez ni Singkamas

Wala namang importante sa entry na ‘to. Nirebyu ko lang naman ang mga naganap sa ‘kin at sa ibang taong nakapaligid sa ‘kin sa taong Dos Mil Diez.

P.S. Sorry for the low quality of some images. Camera phone ko lang ginamit sa kanila.

January

  • Field trip sa PSY1 (Exploring the Self: Thoughts, Feelings, and Actions) na hindi ko masyadong na-enjoy dahil wala akong kaklaseng kilala sa mga kasama ko maliban sa isa na hindi ko naman ka-close (di kasi ako FC o feeling close e, haha) at hindi gaanong kinakausap.

Itineraries:

    • Brahma Kumaris Center for Spiritual Learning – Kung saan wala marami akong natutunan. Isa na roon ang katotohanang masarap rin pala ang vegetarian pancit, vegetarian muffin at vegetarian cookie. Oo, yung pagkain lang ang natatandaan ko sa lugar na ‘to.
    • Tagaytay Picnic Grove – Ang gasgas ng pasyalan ng mga estudyanteng nagfi-field trip at nagagawi sa Tagaytay pero ibang experience ko dito this time. Mag-isa kong inikot at tinanaw ang kagandahan ng lawa at bulkang Taal. :(
    • Mushroom Burger – Hindi naman ‘to talagang kasama sa itineraries pero isinama ko na rin sa listahan dahil nag-stop-over pa rin naman kami dito. Di rin naman ‘to importante. Ang binili ko rito e, hulaan mo kung ano… Yun na nga yun.

It's an eggless cookie.

Tagaytay

Malamang alam mo na 'to. Nasa libro 'to ng Sibika at Kultura nung elementary.

Kites against the sunset sky of Tagaytay

Sa Tagaytay pa rin. Full moon 'yan at hindi light bulb na nakabitin sa langit.

February

  • Pulled a series of an all-nighter at Boston Café and groupmate’s apartment dahil sa paggawa ng CMSC 128 project, which was a stock and inventory system for a local store in Los Baños, Laguna. We were a team of five at ang ipinangalan sa ‘ming team ng aming instructor ay Team Power Rangers. Ako si Blue Ranger. Haha.
  • Feb Fair ’10 – Hindi naman ako lumabas ng dorm para makigulo rito pero natuwa lang akong isama ito dahil ito yung fair sa Elbi na ipinag-rally pa para lang matuloy. Natuloy naman pero ang daming kung anu-ano. Hinarang daw na generator, madidilim tuloy ang mga booths. Kesyo hindi daw na-meet ng USC ang requirements. Black propaganda raw. A basta. Na-amuse lang ako sa idea na muntik nang hindi matuloy ang isa sa mga pinaka-pinananabikang events ng mga estudyante sa Elbi.

Halos magbuhol-buhol nang mga plugs ng mga laptops ng Team Power Rangers.

FebFair 2010

March

  • Huling birthday ni Ate Karen bilang Rm. 3105 resident at unang pagkakataon naman, sa loob ng tatlong taong magkakasama bilang roommates, na kumpleto kaming apat na sabay-sabay mag-dinner.

Rm. 3105 minus me. Ako kumuha e. Nasa gitna yung may birthday.

April

  • Gumala Nag-OJT sa Eastwood at sa bahay. Unusual yung OJT ko dahil di ako sa office pumapasok. Apat kaming magkakasama na nag-OJT sa condominium ng aming supervisor at sa bahay namin. Natuwa at nabugnot sa ginawang website dahil pinag-aaralan ang gagawin habang ginagawa mismo ang site.

Di ba halatang orchestrated at pakitang-tao lang 'yan? :P

On the job kami niyan. Hahaha.

May

  • Gala at photoshoot OJT pa rin sa Eastwood.

pati elevator sa condo pinatulan >.<

June

  • Ni-welcome si new roommate kaya kumain at siyempre, nagpiktyuran.

Ako at si New Roommate

July

  • Halos isang buong manok ang nakain sa promo ng restoran ni Max na Hala-Sige-Magpakasasa-Ka-Sa-Manok. Apat na quarters ang inihain sa lapag ko. Tatlo at kalahati lang ang naubos ko. >.<

 

The remains of the massacred chickens.
I was trying to capture this for the second time when…
my phone slipped out of my hand and joined the hot sauce writing in my plate.

August

  • Wala ‘kong matandaang significant na nangyari sa ‘kin nang buwang ‘to kaya yung nangyari sa iba na lang. Sumikat ang Pilipinas dahil sa kapalpakan ng mga pulis sa hostage drama na nangyari sa Quirino Grandstand.

September

  • Nagkaroon ng scarcity sa tulog dahil maraming projects at exams na pinagsabay-sabay sa buwang ‘to. Nandiyan ang mga projects at exams sa JAP10, ENG10, CMSC 150, 141 at 137.
  • Tinawagan ako ng College Secretary dahil sa pagkadelingkwente ko ipinaalam sa ‘king mafo-force drop daw ako sa STAT1. Totoo nga ang ibinalita sa ‘kin.

October

  • Project presentations ng CMSC 150, 141 at 137. Nag-present ng incomplete at hindi gumaganang project sa CMSC 150 at 137. Pumasa pa rin. Pasang-awa.
  • Dalawa Isang subject ang ti-nake sa finals week. Na-late ako ng sobra sa JAP10 finals kaya di na nakapag-exam. Pumasa pa rin.

walang kwentang user interface na ginawa ko para sa diet problem na CMSC150 project

November

  • Late na nag-celebrate ng birthday ko at maagang celebration ng sa best friend ko. Nakornihan at na-bore sa Nanood ng Life As We Know It, nag-lunch sa Tokyo Tokyo, at iniwasan ang wasabi, niregaluhan ng piece of  tissue si best friend, at nag-meryenda sa Shakey’s.

gift kay best friend.

Shakey's: the aftermath

December

  • Family Reunion! Maternal side. Testimony of God’s grace in my uncle’s life (the one who had a recent heart attack). Foods. Pumatok sa ‘ming mga bata (oo, bata pa ‘ko, hahaha) yung marshmallow at saging dipped in chocolate fondue. Natuwa rin sa pakikipag-wrestling with cousins sa pakikipag-agawan ng hinagis na barya. At ang pinaka-gusto ko sa lahat, gift-giving (at receiving) at pagpila sa matatanda para mabigyan ng aguinaldo.

O sige roast daw ng marshmallow sabi ng utol ko...

roasted nga. super!

3K na napamaskuhan? Ayos na! :)

At diyan nagtatapos ang pagrerebyu sa taong 2010 ni Singkamas! Naniniwala akong hindi makukumpleto ang tatlong daan at animnapu’t limang araw o limampu’t dalawang linggo o labindalawang buwan ng taong 2010 ko kung walang pakialam si Lord sa buhay ko. Kaya naman i-reremind ko ang sarili ko sa tulang ito:

Bago man ang damit ko,
Marami man ang pera ko,
Kung wala naman si Kristo sa buhay ko,
Balewala rin ang Pasko at bagong taon ko.

P.S. (2) Nawa’y ikaw na nagbabasa ng post nito ay magkaroon ng pinagpalang bagong taon at simula ng bagong dekada.

P.S. (3) Tulog ako nang nagbabay sa isa’t isa si 2011 at 2010. Di tuloy ako nag-Media Noche. Nag-Mañana ako kanina. T_T

7 thoughts on “Rebyu: Dos Mil Diez ni Singkamas

  1. hello, napadaan lang…

    ang kulit naman, natandaan mo pa ang highlights ng bawat buwan. ako, kailangan ko pang i-review si planner para maalaala ang mga ka-boring-ang naganap, he, he…

    3 thou? ambabait ng ‘yong kamag-anak. :] mga tatlong gimik na rin ang makakayanan nyan, he,he.. happy new year sa ‘yo.

    Like

    • hello! salamat po sa inyong pagdaan! :)

      waw. buti pa kayo, may laman ang planner niyo. first three months lang ang may laman sa 2010 planner ko. haha.
      pinagpala nga talaga ‘ko sa mga kamag-anak ko. hehe. happy new year din sa ‘yo, DPSA. :)

      Like

  2. aba, para sa henerasyon mo, advanced na ang 3 mos. na may laman ang planner. :]

    naaalala ko ang mga pamangkin kong laging nag-a-avail ng starbucks planner tapos pagtingin mo sa end ng year, 4 – 5 pages lang ang may laman, hi, hi…

    e, paano mo pala naalaala ang highlights ng mga buwan? astig na memory lang, huh?

    salamat sa pagsilip mo sa ‘min at pag-add mo sa ‘kin sa ‘yong blogroll. tenk yu.

    Like

    • nyak. sa first three months lang po ako nagsisipag-sipagan kaya may laman pa planner ko ng mga panahong yun. hahaha.

      naalala ko highlights ng mga buwan kasi bukod sa ‘king memory e kinalkal ko rin po ang hard drive ko (para sa mga pictures tapos tiningnan ko kung anong date sila na-capture) pati na rin po yung mga previous posts ko sa blog na ‘to.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s