EPIC!!! Why is this day EPIC? Part 1

This day is EPIC!

Bakit?

Ngayon ang araw na nainlab ako sa isang lalaking… hmmm… wala akong maisip na description.

Nyahaha. Di totoo yun. Kasi wala naman talaga akong lalaki na kinainlaban ngayon. :P

Na-miss ko lang naman ang final exam sa Japanese Language class ko. Idagdag pa dito na napalabas ako sa removal exam ko sa Statistics at kulang-kulang singkwentang pares ng mata ang nakapansin sa grand exit ko.

Nagsimula ang EPIC na araw na ‘to sa oras na alas-singko y medya ng umaga.

Alas-singko y medya pa lang ng umaga eh mulat na ako pero alas-sais na ako bumangon. Nananalangin muna’t nag-in-in lang sa kama. Pagkatapos kong maligo, sumabak na ‘ko sa pagre-review sa subject kong JAP10. Umagang-umaga eh nag-ni-Nihonggo na ang daliri, dila’t utak ko. Hindi naman maiwasan dahil final exam ko sa subject na yun pagsapit ng alas-diyes. Or so I thought. Dahil pagpunta ko ng alas-diyes sa aming ginagamit na classroom tuwing klase, wala man lamang katao-tao sa room na yun.  Pumunta pa ako sa isa pang room. Dalawa kasing rooms ang pwedeng pag-examan ng finals sa JAP10. Ayos! May mga tao. Papasok na sana ako nang mag-register sa aking utak na “Bakit wala akong kilala ni isa sa pagmumukha ng mga estudyanteng ‘to?” Medyo bumilis ang kabog ng puso ko. Pumunta muna ako sa pinakamalapit na lugar kung saan may kompyuter at may Internet. Binisita kaagad ang site ng UPLB at hinanap ang pdf file ng Final Examination Schedule 1st Sem AY 2010-2011.

Ctrl+F. Tak. Tak. Takatak. Tak. J-A-P-space-1-0. Konting paspasang pagta-type lang. Parang galit sa keyboard.

Nagimbal ang mundo ko ng makitang katapat na katapat ng JAP10 ang 7:00-9:00 AM. Tumingin ako sa relo ko. Umaasang nananaginip lang ako at makikita kong alas-siyete ng umaga ang ipinapahayag na oras ng dalawa nitong kamay. Siyempre, gising na gising ako at ang nakita kong oras ay alas-diyes bente. Waaaa. Next time kasi tingnang mabuti ang dapat tinitingnan. Huh? Oh well. Ok. Wala na rin naman akong magagawa eh. Nanalangin na lang ako na sana ang purpose ng final exam na iyon ay panghatak (siyempre pataas pero pwede ring pababa) na lang sa pre-final standing ng mga supposedly ay kukuha ng JAP10 final exam. Pasado naman kasi ang pre-final standing ko eh. Kakausapin ko sana si dear professor kaso di ko naman siya mahagilap dahil wala siyang cubicle sa faculty room at wala rin akong contact number niya. Sana talaga hindi required ang JAP10 finals dahil kung required, LAGOT AKO SA ERMATS KO at SEE YOU NEXT SEM, JAP10!

ALAS-SIYETE!!! HINDI ALAS-DIYES!!! >_<

Ngayong araw nga rin pala ang group project presentation sa Networking kong subject. Bomberman. Nagpresent ang grupo namin ng hindi tapos na project at naka-siyete pa rin kami out of the perfect score na 10. Yey! Salamat sa Diyos dahil binigyan niya kami ng napaka-considerate na propesor.

Pagkatapos ng presentation namin ng Bomberman Project, dumiretso na ‘ko sa lecture hall kung saan mag-eexam ng removals para sa Statistics (kwatro/incomplete ako last sem). Ang aga ko. Kinse minuto pa bago mag-alas-dos ng hapon. Binuksan muna ang dalang reviewer (old exam ng isang kumuha ng Statistics apat na sem na ang nakakaraan) at nag-scan. Wala namang pumapasok sa isip ko kaya itinago na lang ulit ito sa loob ng bag. Tumunganga’t nagmasid na lang sa mga kapwa ko estudyanteng umaasang ipasa na’t matanggal ang incomplete status sa Statistics. Dumating ang proctor. As usual dahil ganito naman talaga ang nangyayari tuwing exam sa Statistics, pinalagay na ang mga bags sa harapan. “Just leave your calculator, black or blue ballpen, validated ID and permit with you,” aniya ng proctor.

Permit. Patlang. Teka.

WALA AKONG PERMIT FOR THE REMOVAL EXAM!!!

Itutuloy… (oo, may kasunod pa ‘to kahit alam mo naman nang napalabas ako sa lecture hall tsaka nabasa mo sa title ang Part 1 that usually implies na merong Part 2)

Kelangan ko lang munang mag-review para sa Numerical and Symbolic Computations final exam ko bukas.

10 thoughts on “EPIC!!! Why is this day EPIC? Part 1

  1. wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
    wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ulit
    yung jap class mo for sure ok yun
    ok din ang group report niyo
    yung stat (biostat sa course ko – parehas lang yun hihihi) ayoko ng subject na yan
    kasi pwede kang manghula ang prof ko nun (oh well grad ng UPLB din) ay 1-10 ang items at multiple choice ang type of question pero kailangan magsolve syempre pero di requirements ang show solutions, syempre unfair iyon hihihihihihi

    nakakamiss ang buhay estudyante, at least sa UP ka, sa amin kapag may bagsak tanggal na sa course at mapapadalhan na lang ng mahiwagang sulat ang guardian na ina-advise ng maghanap ng course hihihihihi

    i miss those 11. 12, 21, 22, 101, 102 class codes hehehe

    Like

  2. grabe naman pala nangyri sa’yo singkamas…:O

    nakakuha ka pa rin ba ng exam sa jap10?? nangyari na din ata sa’kin yan eh, mabuti na lang maaga akong pumunta kaya 30 minutes lang. hahah

    kamusta ang last sem singkamas? :) kamusta naan ang second sem? heheh

    gandang araw! :)

    Like

  3. ahaha, ang ganda nito! para talagang kwentong all in a day’s life ng isang estudyanteng parang naligaw lang, ahaha. ;)

    ang ganda, naalalala ko ang mga kaengotan ko noon at ‘yong parang hindi handa lagi. pero, di ko pa naranasan ang walang permit, ganyan. ba’t naman kasi sabay-sabay ang challenge sa isang araw, kasi? ^^

    buti na lang, alam kong na-survive mo ‘to, ahaha. hello, singkamas! ;)

    Like

      • Ahaha, that’s a chance we’ll both take, hihi. ;) Meron! You sound way too literary for someone who’s toying with computers. Saka, andami mong alam sa science, napansin ko lang sa comments mo. Naaaliw akong you’re back in the blogging scene at may mga bago kang kahuntahang ka-age mo (na di ko ka-age, haha). Lovely! ;)

        Like

      • Aww, pumapalakpak na tenga ko, Ate San, hahaha. Thank you po. :)

        Lulubog-lilitaw nga po ‘ko sa blogging scene e, hihi. Pero kahit ganun, binabalik-balikan niyo pa rin ‘tong pook-sapot ko and I am honored. Kelangan ko na kayong sabitan ng medal (kinder? haha) at bigyan ng award na Most Loyal Reader ng Banaag. :)

        Like

      • ahaha, tumatanaw lang ako ng utang na loob – isa ang blogs mo sa pinaghalawan ko ng kauna-unahang love-related post ko sa lumang site, haha. ^^

        and yes, you have your PI 100 post to blame as well. ayon ‘yon, natandaan kita ro’n. goodnight, dear. ;)

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s