The Week That Was My UPLBFebFair’11

Monday. Valentines’ Day. Hearts’ Day. Puso Day. Single Awareness Day. O ano pa mang gusto mong itawag sa okasyon tuwing February 14.

Nag-date kami ng alaala ni Jose Rizal sa lecture ni Dr. Floro Quibuyen na ni-require kong attendan ng sarili ko dahil dalawang magkahiwalay na incentives sa dalawang subjects ang mapapala ko. Ang aral na natutunan ko sa lecture na ‘yon ay, ahm… wait… parang wala yata. Ah, meron meron. Na at 85 eh gumagamit ng Skype ang pinakabatang descendant ni Jose Rizal (apo ni Paciano Rizal na kuya ni Jose). Saka gwapings pala si Rizal nung 18 years old siya. Hahaha.

Jose Rizal @ 18

Jose Rizal @ 18

[photo credit: joserizal.ph]

Dahil Pebrero 14 at mahal ko ang sarili ko, binilhan ko ng cake ang sarili ko… at ang pangalan ng cake? Better Than Sex.

Better Than Sex Cake

Kinagabihan, walang pagpunta sa grounds ng Fair na naganap. KJ kasi si Rizal pati PI100. Quiz kinabukasan. Napaka-wrong-timing lang >.<

Tuesday. Right-minus-wrong type nung quiz sa PI100. Good news, by pair yung quiz. Bad news, nil nada zero score namin ng ka-pair ko.

Kinagabihan, wala na namang pagpunta sa Fair ang naganap. Nag-celebrate lang ng birthday ng isang orgmate sa bahay ng isa pang orgmate.

Wednesday. Masama ang gising. Masama pakiramdam. Hindi pumasok maghapon. Wala na namang Feb Fair para kay Singkamas. :(

Thursday. Masama pa rin ang gising. Masama pa rin ang pakiramdam. Hindi pa rin pumasok maghapon. Isinakay sa UPLB Police Car hindi para pumunta sa presinto kundi para ihatid sa infirmary. Muli, walang FebFair para sa ‘kin. Open House sa dormitory. Wala akong inimbitang usisain at makita ang makalat kong space sa kuwarto, pero meron pa ring nagpumilit na i-welcome ang kanilang sarili at nakita tuloy ako in all my weak-and-lying form sa kama ng karamdaman. Pero di bale na, limang get-well-soons ang natanggap ko.

Friday. Pumasok ako sa isang subject lang. Nag-FebFair na rin sa wakas! Wala masyadong nangyari. Sumakay ng Ferris Wheel tapos naghintay na lang sa Happy Hour dahil akala ko tutugtog ang Up Dharma Down. Dahil sa kung ano-anong technical glitches ang nangyari bago ang Happy Hour, ayun, alas-kwatro na ‘to ng umaga ng Sabado nagsimula. Natapos ang Fair ng alas-singko ng umaga. Di na ‘ko natulog at dumiretso na ng uwi pa-Maynila.

ferris wheel na ambilis ng ikot @_@

 

ang stage at ang kakarampot nitong audience @ 4am

headbangin' to Valley of Chrome @ 4:30AM \m/

the FebFair Aftermath - 6AM Saturday

2 thoughts on “The Week That Was My UPLBFebFair’11

  1. hello, there.

    gwapings talaga si rizal. di ba palikero nga ang mama? talo pa ang navy na may girlfriend sa bawat port, haha…

    btw, there’s a foreign movie na hindi hollywood that goes by the same title – better than sex. ang makikita mo sa movie ay hayon – puro sex, haha uli.

    nangyari na rin sa ‘kin ang inabot ng madaling araw sa UP Fair kaantay sa Up Dharma Down. Ang kasam ko no’n, isang nephew at isang niece. After ng UDD, gusto ko nang umuwi dahil may pasok the next day. Etong dalawa, ayaw. Nag-stay until past three, hinantay ang last bands – parokya with kamikaze. Pinuyat ako ng mga lintik. I mean, mga pamangkin ko, hi, hi…

    btw, sana okey ka na sa health dept. thanks for allowing me space. :D

    Like

    • sa tingin ko po kasi e di naman gwapings si rizal sa mga common images niyang nagkalat sa books man o sa internet. naisip ko ngang indiong indio ang itsura niya, haha.

      anyway, mabuti nga po kayo dahil naghintay kayo sa UDD at nasilayan niyo naman. di sila dumating sa uplb feb fair this year. :(

      p.s. ok na po ako. salamat po. :)

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s