Wala Lang

Rhythm of Love by Plain White T’s

So ano naman yung audio na yun? Wala lang. Sanlinggo na kasing naka-replay mode sa utak ko. Tutal e wala rin lang namang kwenta ‘tong post na ‘to, malagyan na rin ng walang relevance na laman.

Teka, speaking of walang kwenta, ilang linggo na rin yatang walang kwenta ang mga pinopost ko. Puro kwento lang sa mga nangyayari sa pangkaraniwan kong existence sa mapa ng mundo. Pero sige, para maiba naman, sa next post ko e baka mapagtripan kong ilagay ang synthesis paper na ipapasa ko para sa PI100. (Ano ba yun? PI100 na naman? Pansin ko lang, siya na lang laging naii-special mention sa mga post ko. Kasi PI100 lang subject ko ngayong sem. Siya lang talaga. NOT. Pa-espesyal lang talaga si Rizal. Dyahe naman kasi kung ibabagsak ko pa ‘tong Rizal course na ‘to. May posibilidad kasi e.)

O siya sige. Tapusin na ‘tong walang kwentang rant na ‘to. Magluluto pa ‘ko ng ispageti. Walang may birthday. Meryenda lang yun. Isang linggo ko na rin kasing hinahanap-hanap ang lasa niya.

 

4 thoughts on “Wala Lang

  1. hello, singkamas.

    nakakagulo talagang subject iyang PI 100. tama lang na nagugulo ka dahil kung hindi, ibang subject siguro ‘yang nai-enrol mo, hehe…

    no’ng time namin, luma pa ang teknolohiya, siyempre. so, research-research kami. ang materials ay nasa microfilms pa, sa main lib [upd]. so, bababa ka ro’n sa archive na para ka talagang historian na naghahalungkat ng kasaysayan, hehe… papaandarin mo ang microfilm device. pinapaikot ‘yon, e, parang projector na ilang beses mo sisilipin because di mo makukuha nang buo sa isang silip lang. so, mukha kang detektib na ewan do’n.

    pero, nakakatuwa rin naman. ang paper ko ata no’n ay tungkol sa bandang 1903, kung ano’ng nangyayari sa revolution and phil govt then. so, nagtingin ako ng maraming manila times para alamin ang headlines and editorials noon. okey naman, but what struck me most ay yong ads nong early part of the century. mga tungkol sa tungkod, alejambra na yosi/tabako at saka saan ang best place to enjoy a drink of soda. o, di ba? cool ‘yon.

    may naalaala akong post ni facebuko ‘ata na satire tungkol sa kung ang facebook friends mo ay sina rizal at bonifacio, how it would look like. parang mga ganoon ang nakita ko noon sa archives. ha,ha… mas mahaba pa ang comment ko kesa sa post mo. btw, salamat. :D

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s