Si Singkamas ay two decades and one year old na. Pwe. Ampanget pala kapag sinabi mo ang edad mo in terms of decade. Parang sobrang tanda ko tuloy pero ayos lang yun. Alam ko naman sa sarili kong isip-bata pa rin naman ako. Nag-aaral pa ‘ko at nasa huling taon na sa kolehiyo (YEHEY!) pero may isang malaking BUT sa equation… at yun eh extended version ako. Oo, proud pa ‘ko sa lagay kong ‘to. Adik lang. Opisyal na nga pala akong sumusuporta’t tumutulong sa pagpapayaman ng mga kurakot na opisyal dito sa Pilipinas mamamayan ng Pilipinas na nagbabayad ng buwis.
Natutuwa ako sa mga contradictions. May kung ano lang talaga ang mga contradictions kaya ko sila kinaaaliwan. Kung ano yun eh ‘wag mo ‘kong tanungin dahil hindi ko rin alam.
Mahilig akong magsulat… yun nga lamang e kung inspired ako. Minsan nagfi-feeling akong writer dahil, wala lang, feel ko lang. Di naman masamang mangarap e.
Mahilig akong magbasa ng libro. Noon yun. Free and downloadable e-books na ngayon. Pero hindi ibig sabihin nun na mas ok sa ‘kin ang e-books. Mas convenient at free lang sila pero hindi pa rin nila matatawaran ang nasisinghot kong amoy ng mga pahina ng isang totoong libro. Kapag may bago akong libro (hindi e-book), ninanamnam ko talaga (hindi yung pages) kundi yung amoy ng libro. Oo, makikita mo akong mukhang adik at sinasapian as I flip the pages back and forth while sniffing the new book’s distinct scent.
Speaking of books, gusto ko nga rin pala si Sherlock Holmes. Kung totoo lang sana at buhay siya ngayon, itataya ko ang tatlong libong napamaskuhan ko last year makipag-cocaine session lang sa kaniya. FYI, hindi ako cocaine addict at kahit kelan e hindi ko nakadaupang-palad ni isang gramo ng cocaine at wala akong balak na malulong sa kanya.
At dahil nagawi na rin lang sa kaadikan ang takbo ng pakilanlang ‘to, I’m slightly particular to toothpicks. They stay stuck between my teeth after every meal. Makikita mo lang akong walang toothpick na nakapasak sa bibig kapag nasa klase office o di kaya naman nasa labas ng dorm o bahay.
Ang peyborit kulay ko naman e… Tama ka. Dominant siya sa doodle sa taas pati na rin sa mga emphasized texts sa post na ‘to. Onga pala, medyo may pagka-random din ako.
Magaling nga rin pala akong magsimula ng away mga bagay-bagay. Madalas akong ganun pero ang mas madalas at karaniwang nangyayari, ang mga bagay-bagay na sinimulan ko ay hindi ko na natata
syncamas! :) magandang araw sa’yo! =)
na-add na kita. :)
asahan mong babalik-balik ako dito. :)
LikeLike
magandang araw rin sa’yo, kat!
salamat sa pag-aadd! :)
asahan mong aasahan ko ang sa tuwina mong pagbabalik dito. :)
LikeLike
Bigla ko tuloy naisip ang lumpyang gulay na may singkamas. Ahm sarap!
Magandang araw sayo Singkamas!
LikeLike
naisip ko rin tuloy. ahaha. magandang araw rin sayo, diwangtanglaw!
p.s. nawa’y maligaya mong ipagdiwang ang pagtatapos ng taon! :)
LikeLike
-pa-exchange link nga po ako
LikeLike
done!
LikeLike
o hai thar ako’y naliligaw naghahanap ako ng tutorial about sa fractals nakita ko ito. coincidence? nagbablog din po pala ako pero shy ako magpakilala. nice to see this web corner of yours :D hahanapin kita. :>
LikeLike
cmsc ka rin ba sa elbi ha, isang cmsc 08 naliligaw? ‘wag ka nang mahiya. magpakilala ka na’t mabisita ko rin ang pook-sapot mo; saka ma-i-add ko na rin sa blogroll ang blog mo. :D
btw, pasensya nga pala’t wala kang napalang matinong tutorial sa fractals dito (or any other na matinong tutorial on any topic). haha.
p.s. parang nakakatakot naman ‘yang statement mo.
LikeLike
“Pero hindi ibig sabihin nun na mas ok sa ‘kin ang e-books. Mas convenient at free lang sila pero hindi pa rin nila matatawaran ang nasisinghot kong amoy ng mga pahina ng isang totoong libro. Kapag may bago akong libro (hindi e-book), ninanamnam ko talaga (hindi yung pages) kundi yung amoy ng libro. Oo, makikita mo akong mukhang adik at sinasapian as I flip the pages back and forth while sniffing the new book’s distinct scent.” THIS! HAHAHA… Ako rin,, sinisinghot ko yung amoy ng mga bagong libro. Kaya tuwang tuwa ako pag nakakabili ako ng bagong libro. =)) ang sarap amoyin. XD
Hello, singkamas~ nice meeting you!
peace&smile,
_korhz
LikeLike
Haha. Apir! Isa sa mga di matatawarang bagay sa mundo ang amoy ng isang bagong libro, to both of us at least.
Hi Kohrz! I am pleased to meet you, too. :)
P.S. Your blog made it to my blogroll. :D
LikeLike
Oh. Yay! Thank You~ =) Super thank you! ;)
peace&smile,
_korhz
LikeLike
You’re welcome. :)
LikeLike
Walang tatalo sa amoy ng libro! isang dahilan kung bakit kahit kailan di ito mapapataob ng e-books. hahaha
LikeLike
Siya pong tunay.
LikeLike
hello.
wala ang post mo, e. dito na lang ako kaway at comment.
contradictions – check
books – check
toothpick – check, pero di ako adik dyan
hello, hello! :D
LikeLike
Asan na si Bagoong Alamang?
happy blogging :D
LikeLike
Niluluto pa po ang tamang timpla para bumagay kay Singkamas. :)
Thank you, Sir Cheesecake! :)
LikeLike
haha napansin ko nga ang pagkarandom mo..
ikinagagalak kang makilala ni bagotilyo :)
LikeLike
Bagotilyo! Ikinagagalak ka ring makilala ni Singkamas. :)
LikeLike
sana ikagalak mo rin makilala ang 25pesocupnoodles… happy blogging..
LikeLike
Onaman! Ikaw mandi’y aking ikinagagalak na makilala, 25pesocupnoodles.
LikeLike
maraming salamat, singkamas..
LikeLike
singkamasss, peyborit kong gulay nung bata pa ako… gulay yun diba? haha
LikeLike
Oo yata, haha. Ang weird naman kasing isiping prutas ang singkamas. Anyway, salamat sa pagbisita!
LikeLike
nice nice nice….nakahanap ako ng bagong kapitbahay… :)
LikeLike
Hello there, new neighbor! Salamat sa pagdaan. :)
LikeLike
;)
LikeLike
haha! super naaliw naman ako sa content nitong about page mo :)
LikeLike
Haha, salamat naman po kung ganun. Salamat din po sa pagbisita sa ‘king pook-sapot! :)
LikeLike
madami tayong pagkakapareho. Mahilig din ako magbasa, mahilig din ako sa contradictions, paborito kung kulay ang blue, at higit sa lahat ay
LikeLike
Hahaha, apir tayo diyan!
LikeLike
naloka ako sa descriptions mo… hihihi
hello po!
LikeLike
Hello Ate Honey! Salamat po sa pagbisita. :)
LikeLike
pasyal pasyal ka din sa aking pahina… depende sa mood, may nakahaing meryenda, bukas para sa lahat na gustong tumikim… hihihi
LikeLike
Hihi, asahan po ninyo ang aking pagbisita. Sa katunayan nga po e nakabukas ang isang tab ko ngayon at ako’y sumisilay sa inyong pook-sapot. :)
LikeLike
hahaha salamat sa pagbisita ha? At sa pag-iwan din ng puna :)
LikeLike