Ako. Bow.


Si Singkamas ay two decades and one year old na. Pwe. Ampanget pala kapag sinabi mo ang edad mo in terms of decade. Parang sobrang tanda ko tuloy pero ayos lang yun. Alam ko naman sa sarili kong isip-bata pa rin naman ako. Nag-aaral pa ‘ko at nasa huling taon na sa kolehiyo (YEHEY!) pero may isang malaking BUT sa equation… at yun eh extended version ako. Oo, proud pa ‘ko sa lagay kong ‘to. Adik lang. Opisyal na nga pala akong sumusuporta’t tumutulong sa pagpapayaman ng mga kurakot na opisyal dito sa Pilipinas mamamayan ng Pilipinas na nagbabayad ng buwis.

Natutuwa ako sa mga contradictions. May kung ano lang talaga ang mga contradictions kaya ko sila kinaaaliwan. Kung ano yun eh ‘wag mo ‘kong tanungin dahil hindi ko rin alam.

Mahilig akong magsulat… yun nga lamang e kung inspired ako. Minsan nagfi-feeling akong writer dahil, wala lang, feel ko lang. Di naman masamang mangarap e.

Mahilig akong magbasa ng libro. Noon yun. Free and downloadable e-books na ngayon. Pero hindi ibig sabihin nun na mas ok sa ‘kin ang e-books. Mas convenient at free lang sila pero hindi pa rin nila matatawaran ang nasisinghot kong amoy ng mga pahina ng isang totoong libro. Kapag may bago akong libro (hindi e-book), ninanamnam ko talaga (hindi yung pages) kundi yung amoy ng libro. Oo, makikita mo akong mukhang adik at sinasapian as I flip the pages back and forth while sniffing the new book’s distinct scent.

Speaking of books, gusto ko nga rin pala si Sherlock Holmes. Kung totoo lang sana at buhay siya ngayon, itataya ko ang tatlong libong napamaskuhan ko last year makipag-cocaine session lang sa kaniya. FYI, hindi ako cocaine addict at kahit kelan e hindi ko nakadaupang-palad ni isang gramo ng cocaine at wala akong balak na malulong sa kanya.

At dahil nagawi na rin lang sa kaadikan ang takbo ng pakilanlang ‘to, I’m slightly particular to toothpicks. They stay stuck between my teeth after every meal. Makikita mo lang akong walang toothpick na nakapasak sa bibig kapag nasa klase office o di kaya naman nasa labas ng dorm o bahay.

Ang peyborit kulay ko naman e… Tama ka. Dominant siya sa doodle sa taas pati na rin sa mga emphasized texts sa post na ‘to. Onga pala, medyo may pagka-random din ako.

Magaling nga rin pala akong magsimula ng away mga bagay-bagay. Madalas akong ganun pero ang mas madalas at karaniwang nangyayari, ang mga bagay-bagay na sinimulan ko ay hindi ko na natata

36 thoughts on “Ako. Bow.

    • cmsc ka rin ba sa elbi ha, isang cmsc 08 naliligaw? ‘wag ka nang mahiya. magpakilala ka na’t mabisita ko rin ang pook-sapot mo; saka ma-i-add ko na rin sa blogroll ang blog mo. :D

      btw, pasensya nga pala’t wala kang napalang matinong tutorial sa fractals dito (or any other na matinong tutorial on any topic). haha.

      p.s. parang nakakatakot naman ‘yang statement mo.

      hahanapin kita. :>

      Like

  1. “Pero hindi ibig sabihin nun na mas ok sa ‘kin ang e-books. Mas convenient at free lang sila pero hindi pa rin nila matatawaran ang nasisinghot kong amoy ng mga pahina ng isang totoong libro. Kapag may bago akong libro (hindi e-book), ninanamnam ko talaga (hindi yung pages) kundi yung amoy ng libro. Oo, makikita mo akong mukhang adik at sinasapian as I flip the pages back and forth while sniffing the new book’s distinct scent.” THIS! HAHAHA… Ako rin,, sinisinghot ko yung amoy ng mga bagong libro. Kaya tuwang tuwa ako pag nakakabili ako ng bagong libro. =)) ang sarap amoyin. XD

    Hello, singkamas~ nice meeting you!

    peace&smile,
    _korhz

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s