I’M BAAAAAACK! :)

Ibabalita ko lang kasi sa blogosperyo na nagpalit na ‘ko ng display picture sa Facebook.

Napakawalang-kwenta bang balita? Sagot mo siguro, oo, pero sagot ko naman? Oo rin e, hahaha. Kasi naman masyado lang akong natutuwa na nakapagpalit na rin ako ng DP, at ang dati kong DP? Eto:

So bakit ako masaya? Kasi po tapos na ang isang semestreng extension period ko! :)

Natapos ko na rin sa wakas ang undergraduate requirement na Special Problem at nai-present ko na rin yun sa harap ng adviser ko kasama ng tatlo pang ibang propesor.  

Sobra lang akong pinagpala ni Lord dahil isa na ‘kong ganap na college graduate! Ang saya lang pakinggan. :)

Sobrang thankful din ako kay Lord kasi dalawang araw lang pagkatapos kong malagay sa estado na college graduate, napalitan ang estadong yun ng employed. Ang bilis, di ba?

Tapos sampung araw ang nakalipas mula ng unang araw ko sa trabaho, sumapit ako sa pagbibinata este pang-dalawampu’t isang taon ko sa mundong ibabaw. Natupad din sa wakas ang isa sa mga main goal ko sa buhay na magtapos sa kolehiyo bago ‘ko mag-bente-uno anyos. Ang sarap lang ng feeling na may ma-cross-out ako sa listahan ng mga pinangarap kong mangyari sa ‘kin.

Sa sunod-sunod na pagpapalang dumating, kulang na lang malunod na ‘ko sa sobrang bait ni Lord sa ‘kin. Sobrang nag-uumapaw na rin ang word na sobra sa post kong ‘to pero hayaan mo na, ganun lang talaga sobrang awesome si Lord. :)

Anyway, ang dati ko nga palang DP e ang sablay shot na produkto ng graduation pictorial na nabanggit ko sa isa sa mga nakaraan kong post. Kung curious ka naman kung anong DPng ipinalit ko, graduation pictorial product pa rin pero siyempre ibang shot naman. Creative shot naman.

Tadaaa! Inspired by pareng Sherlock Holmes :P

11 thoughts on “I’M BAAAAAACK! :)

    • Heeey, Denise the Menace! Thank you for the warm welcome. :)

      Kamusta ang buhay sa LB? Mabilis na rin lang ang panahon. Mamamalayan mo na lang, ga-grad ka na pala at may nakasabit ng sablay sa balikat mo. :)

      Like

  1. hello, singkamas,

    asan na ang geek dati? ahaha, ambilis nabago, kainaman. ^^ ah, it’s the hair, tama ba? :)

    ang ganda mo sa grad pic, singkamas. shaks, sulit ang bayad nyo sa make-up, ahaha.
    saang studio yan, aber. ^^ :)

    ang kulit, may cowboy/cowgirl shot, ikaw na. ang ganda ng costume… musta na you? :)

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s