Kailan Kaya Babalik si Singkamas sa Blogosperyo?

Ngayon.

NOT.

Dumaan lang ako pero di pa rin talaga ako nagbabalik. Busy pa ‘ko.

Na-miss ko lang ‘tong blog ko saka tinatamad na ‘ko sa ngayong mag-code ng web application na tinatapos ko para makatapos na rin ako sa kolehiyo. Mag-dadalawang buwan na simula nung mag-cram ako para sa undergraduate Special Problem ko. Mag-dadalawang buwan na rin ang nakalilipas nung huli akong nakaranas ng kumpletong tulog. Nami-miss ko na rin yung tipo ng tulog sa gabi. Araw na kadalasan kung matulog ako nitong mga nakaraang buwan e. Haaay.

Nangangalahati na rin naman ako sa ginagawa ko. Mga nasa dalawang-libo mahigit na ang lines of code ko. Ok na rin yun. Unti-unti ko nang nalalasap ang tagumpay at pagtatapos. HAHAHA!

Home page lang yan ng ginagawa kong web app. Approximately 200 lines of code para mag-mukhang ganyan yan.

Ayan. Nagmamayabang lang ako pero di naman mukhang kapagyabang-yabang pinakita ko. E basta. Proud na rin akong nagawa ko yang home page na yan.

Onga pala, baka ang talagang pagbabalik ko na dito sa blogosperyo e kapag tapos na ‘ko sa pamumroblema sa Special Problem na ‘to at kapag ibabalita ko na sa mundo na ga-gradweyt na rin ako. Yehes. Excited na ‘ko sa pagdating ng araw na yun! :D

Pero bago ang lahat ng ‘yon, babalik na ulit ako sa pagco-code ngayon.

One thought on “Kailan Kaya Babalik si Singkamas sa Blogosperyo?

  1. ahaha! naramdaman ko ang iyong ispirito, singkamas. nakita ko ring muli kang lumusot sa pagitan ng mga bar codes, hihi… harry potter act lang naman sa may metro.

    o, basta, pag-igihan mo yaan at galingan mo! :)

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s