Si Oyster Boy atbp.

Oyster Boy

Tapos ko nang basahin ang tungkol sa melancholy death ni Oyster Boy. Masaklap nga ang kanyang pagkamatay. Akalain mong pinatay siya ng kanyang sariling — alamin mo na lang kung sinong pumatay sa kanya, ayokong maging spoiler. Saka wala pa yata sa kalahating oras e matatapos mo na kaagad ang tungkol kay Oyster Boy at iba pa.

Oo, may at iba pa. Nabasa ko rin ang iba pang kuwento tulad ng masaklap na love story ni Stick Boy at Match Girl, masaklap na buhay at pagkamatay rin ni Mummy Boy pati na rin ang masaklap na pang-aasar na ginawa ni Santa Claus kay James at saka iba pang masaklap na kuwento. Kung mahilig ka sa masaklap na mga kuwento at pangyayari, ayos ‘tong pambatang libro para sa’yo.

Pambata nga pala siyang libro tapos bawat kuwento e nasa form ng tula. May illustrations nga rin pala na mismong si Tim Burton ang gumuhit. Nag-aassume lang akong kilala mo si Tim Burton. Edward Scissorhands, Sleepy Hollow, Corpse Bride, Sweeney Todd.

Hindi halatang ayaw niya sa mga macabre stories at sa mismong ginawa niyang pambatang libro e may ganung theme. Anyway, natuwa naman ako sa binasa ko. Natawa at naawa ako sa mga boys and girls na bida sa librong ‘to.

Kung curious ka at gusto mo ring malaman kung anong masasaklap na kuwento ang nakapaloob sa librong ‘to, pwede mo siyang basahin dito.

12 thoughts on “Si Oyster Boy atbp.

    • Hello Ate Susan! :)

      Salamat pong muli sa inyong pagdaan. Anyway, fan rin ako ni Tim Burton. Gusto ko yung pagka-dark ng mga works niya.

      Kung meron lang sana akong book nun e pwede ko kayong pahiramin kaso wala e. Nag-dl lang po ako ng ebook. Hehe. :)

      Like

      • oo, ka. lab ko rin ang combination ng darkness at creativity sa works nya. as in, i’m mesmerized. :)

        ah, oo, nga pala, mahilig kang mag-download at yon na rin nga pala ang uso. e, kasi, di ako masipag magbasa from the computer. ang ginagawa ko usually ay ipini-print ko pa (aksaya sa papel). maski sa research, mas book-based pa rin ako at di internet-dependent. talk about makaluma. hehe…

        sige, pag may tanong ako sa downloading, sa ‘yo me magtatanong, ha? teynks in advance! :)

        Like

      • Yeah! Tim Burton FTW! :D

        Mas masaya pa rin naman po talagang magbasa ng totoong libro kaso hindi na ‘ko nakakapag-set aside ng pera for books. Wala naman kasing i-se-set aside in the first place, haha.

        Anyway, sige po. I’ll try my best na sagutin ang inyong tanong, kung meron man kayong itatanong. Wala pong anuman in advance. :)

        Like

  1. di ko kilala si Tim Burton, pero may isang series of children book akong binabasa dati. yong A series of Unfortunate Events ni Lemony Snickets.. natatawa ako sa kakulitan ng writer.. unique ang prose nya malungkot na maganda.. basta!..hahaha

    Like

    • Hello Aninipot! Wala pa ‘kong nababasa ni isa sa tridecalogy ng A Series of Unfortunate Events pero isa sa mga favorites ko yung movie adaptation niya. Ang cute ni Sunny! :)

      P.S. Salamat sa pagdaan! :)

      Like

    • Hey Marco!

      Thank you for following although I can’t seem to be able to find time to update this blog.
      Natuwa rin naman ako at napadaan ka rito. :)
      Hayaan mo, as soon as matapos ko na ang pinagkakaabalahan ko, dadalaw naman ako sa blog mo.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s