Para sa ‘king SA Supervisor

Kinabahan ako nang una kong marinig ang matinis niyong boses na nagsasabing “E, ayoko na ng SA. Lagi naman akong iniiwanan.” Akala ko kasi hindi niyo tatanggapin ang application ko bilang isang student assistant sa Director’s Office. Dahil rin sa matinis niyong boses kaya sumagi sa isip ko nun na “Kung matatanggap man ako dito, mataray naman yata ang magiging supervisor ko.”

Natanggap nga naman ako pero I found out na hindi naman pala kayo mataray. In fact, opposite pa nga. Sobrang bait niyo pala. Madalas niyo kasi akong pinapakain at binibigyan ng “baon.” Hehe. Siyempre di lang yun ang reason kung bakit nagawa niyong makasama sa kategorya ko ng mga “Sobrang Bait na Tao.” Ubod kayo ng pagka-considerate. Pumapayag kayo sa tuwing magpapaalam ako na hindi ako makakapasok. Lagi rin kayong nagrereply. Nakakatanggap rin ako ng compliments mula sa inyo kapag may work akong na-accomplish.

Alam niyo bang feeling ko Tita ko na rin kayo? Naaalala ko kasi sa inyo ang isa sa ‘king mga Tita. Ka-boses niyo rin kasi siya. I also find it na magkamukha kayo. Tapos lagi niyo pa ‘kong tinatawag na Lian e mga kapamilya ko lang madalas tumawag sa ‘kin ng ganun.

Anyway, wala na ‘kong maisip na iba pang pwedeng idagdag sa post na ‘to. Basta masayang experience ang maging SA under your supervision, Tita M. Nag-enjoy ako. Salamat po ng marami sa lahat! May next sem pa naman. Kitakits na lang po ulit! :)

3 thoughts on “Para sa ‘king SA Supervisor

  1. hello, singkamas.

    nag-SA dinako long time ago, masaya naman. nanay ko ang secretary na supervisor ko no’n. tapos, ang mga terror na profs, mababait naman sila up close. ayon lang… :)

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s