Nabati Ako ng Dwende

Ops. Teka lang. I assure you, di ‘ko kelangang pumunta sa albularyo para ipatawas. In the first place e di naman ako naniniwala dun at kung sakali mang naniniwala nga ako e tingin ko’y mahihirapan naman akong makahagilap ng albularyo dito sa siyudad. Well, wordplay lang ‘yang title ko. Nung January 31 e nabati naman talaga ako ng dwende — Mahiwagang Dwende pa nga actually. Kilala mo ba yun? Kung nagbabasa ka ng Kikomachinekomix na henyong produkto ng amazing na utak ni Boss Manix Abrera, malamang naka-engkwentro mo na nga ang Mahiwagang Dwende.

Anyway, as I was saying and I’m going to repeat it hmwahaha, nabati ako ng Mahiwagang Dwende. Teka, di ko rin pala sure kung ako nga nabati talaga. Wrong spelling kasi pangalan ko e. Eto kanina ko pang sinasabi:

Pero kahit na wrong spelling pangalan ko, ayos na rin ‘yan. At least nakakuha ako ng otograp ni Manix Abrera. Saglit ko namang nasilayan ang live na pagdo-drowing ni idol Manix. Nagdalawang-isip nga ‘ko kung sinong i-rerequest kong i-drowing niya, kung si Mahiwagang Dwende ba o si Bertong Badtrip. Nag-settle na lang ako kay Dwende kasi di hamak na mas maraming strokes ng kanyang awesome pentel pen ang gagawin ni Sir Manix kay Berto, at kapag ganun e tiyak kong ako ang mapagtutuunan ng pagkabadtrip ng mga fan ni Sir Manix na nakapila pa sa likuran ko.

So baka kanina ka pa nagwa-wonder kung sang lupalop ng kamunduhan naharang ni Yours Truly si Boy Asteeg, este Manix Abrera. Dun lang naman sa paanan ng bundok ni Maryang Makiling dun sa Los Baños. Isa kasi sa mga speakers si Boy Asteeg sa isang forum slash symposium slash talk slash whatever you call it where people talk on stage, tungkol sa pagkilatis sa modernong Juan (Filipino). Andun din si Mae Paner alias Juana Change na nagkuwento tungkol sa malungkot niyang love life (oo. love life. pero. basta. nai-relate niya ‘yon sa pagkatao at pagkakakilanlan ni modernong Juan), si Pepe Diokno na nag-promote ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsasalita ng Ingles 90% of his time on stage Rock Ed Philippines, si Dr. Virgilio Almario na akala ko e super serious pero ang ibinungad sa kanyang speech e dalawang jokes pero deep yung mga jokes niya in all fairness, si Dr. Rex Victor Cruz na dean ng College of Forestry dun sa Elbi, at andun din nga pala ang cool erpat ni Boy Asteeg, si Boss Jess Abrera.

Honga pala, magyayabang ako. Nakakuha rin pala ‘ko ng otograp ni Cool Dad ni Boy Asteeg. Sadly, wrong spelling na naman pangalan ko. Eto o: (pagpasensyahan po ang crappy quality ng imahe. webcam lang ng laptop ko ginamit e.)

Baka familiar kayo sa kalabaw na dinrowing ni Boss Jess sa notbuk ko? ‘Yan kasi yung sikat na kalabaw na hindi nauubusan ng witty comments sa front page ng Philippine Daily Inquirer. Wala lang. May mai-comment lang. Mwahahaha.

O siya sige. Nagyabang lang naman talaga ‘ko sa post na ‘to. Hihihi. Natutuwa akong sabihin na nagtapos ang unang buwan ng aking bente-onse na may nangyaring nakakatuwa at lubos kong ikinatuwa. Heh? Ano raw? Basta. Yun na yun.

Yeh! Rakenrol! Buwan ng Pag-ibig na. Mwaharharhar. :D

p.s. mahirap bang ispellingin  ang R-E-L-I?

4 thoughts on “Nabati Ako ng Dwende

  1. hello, singkamas.

    i have also had the pleasure of meeting Jess Abrera back in the days when he was still with Inquirer. Ang cool ng mamang ‘yon, di nakikipagkamay. Parating hi-five ang pambati nya noon.

    ang galing naman, na-meet mo sila pareho. :D

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s