Waiting is a pretty hard thing to do.

Absent na naman ako sa PI 100* kanina. (FYI, di yun p*t*ng*n* 100 pero pwede na rin.) Pano ba naman e hindi ako nagising sa alarm ko dahil puyat ako. Hindi dahil sa pag-aaral kasi once in a blue moon lang naman mangyari yun kundi inumaga ako dahil sa isang photoshoot. Oo, sideline ko na nga pala ngayon ang pagmomodelo.

Siyempre, joke time lang yun. Actually, totoo nga namang galing ako sa photoshoot— graduation photoshoot. Yes. As if namang ga-gradweyt na rin ako ngayong sem kagaya ng karamihan sa ‘king mga batchmates na kasama ko sa photoshoot kahapon.

So bakit ako nagpa-gradpic na e di pa pala ako ga-gradweyt? Well, excuse me, ga-gradweyt na rin naman ako huli nga lang sa kanila ng isang sem. Saka by this time next year, may trabaho na ‘ko sa maynila (oo, kine-claim ko na yun haha) at wala na ‘kong balak pang bumalik dito sa elbi para sumabay lang sa photoshoot ng batch 08 comsci (mura kasi kapag by batch ang pagpapakuha ng gradpic).

Anyway, isang masalimuot na proseso ang pinagdaanan ko (and some of my batchmates) sa photoshoot kahapon. Large part ng masalimuot na proseso na yun e ang paghihintay. Paghihintay bago ka malagyan ng make-up at maayusan ng buhok. Paghihintay sa turn mo na makuhanan ng formal at toga shot. Paghihintay sa turn mo na makuhanan ng sablay shot. Paghihintay sa turn mo na makuhanan ka for your creative shot. (Hiwa-hiwalay ka talagang maghihintay.) Paghihintay mo sa turn mo sa pagpapa-retouch ng make-up dahil nga natunaw na ‘to sa mahaba mong pahihintay sa turn mo sa alinmang shot na nabanggit. Tapos paghihintay pa ulit sa turn mo sa pagpili mo ng mga shots na ipi-print nila for hard copies. Ah basta, kinailangan ko talaga ng abot-langit na habang pasensya sa photoshoot na yun kahapon. ‘Ba namang pumunta ako sa venue ng 9:50am ng January 24 at umuwi na ng 2:30am ng January 25.

Di pa natapos ang araw ko sa 2:30am na pag-uwi ko kanina sa dorm. Dahil kinailangan ko pa ang aking buong puso’t lakas sa masinsinang pagbubura sa nagmamaganda kong mukha na tinapalan at ipinagpilitang pastahan nung baklang make-up artist ng makapal na kolorete. Trenta minutos kong pinagtiyagaang burahin ang ubod ng kapal na make-up na nakatapal sa muka ko. Nakakapagod.

Buti na lang one time lang ‘tong photoshoot na nangyari kahapon. Ayoko nang maulit yun. >.<

singkamas, zenith

BORED! singkamas and zenith waiting for their turns para malagyan ng make-up at maayusan ng 'do.

BORED! let's then capture the make-up artists in action.

BORED! once again. >.< waiting for our turns for the creative shot.

BORED! for the last time. i drew zenith in her creative shot's getup habang naghihintay na makapili ng finished outputs.

*PI 100 stands for Philippine Institution 100. It’s about the life and writings of Jose Rizal.

5 thoughts on “Waiting is a pretty hard thing to do.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s