Switchfoot! Switchfoot! The Second Helping

Hindi pa nga nakaka-recover ang butas kong bulsa dahil sa binili kong ticket sa concert ng Anberlin (which by the way eh sa March pa), eto namang nalaman ko sa utol ko na may concert pala ulit ang Switchfoot (na mas mataas ang rango kesa sa Anberlin sa ‘king listahan ng mga paboritong banda ng mga alternatibong rakistang hilaw) the month after Anberlin’s concert. 

Pumunta na sila, yung Switchfoot, dito sa Pinas nung September 2007. May pera na ‘ko nun pambili ng ticket pero wala naman akong permiso ng magulang (menor de edad pa ‘ko nun e) at may klase ako hanggang 7 ng gabi sa araw mismo ng concert nila nun, eh kamusta naman, nasa laguna ako at bi-biyahe pa pa-manila, e di hindi ko na nakita ang kanilang grand entrance sa stage nun?  Di ko nga naman nakita ang kanilang grand entrance, neither yung buong show nila. Hahaha. Pero nalaman kong na-experience nilang sumakay ng jeep at kumain ng balut onstage. Astig lang nila.

Dahil di pa ‘ko naka-attend sa una nilang concert, di pala dapat The Second Helping ang title ng post na ‘to. It should be The First Serving. Haha.

[photo credits: http://desertdjproductions.com/blog]

Anyway, tama nang pagbabalik-tanaw. So dahil sa na-excite na naman etong si ako sa information ni utol, agad ko namang sinangguni si Great Gugel for more info about sa upcoming concert nila ulit dito sa Manila.

As part of their Hello Hurricane Tour 2011, they’re coming back to Manila on April 30 at the Philsports Arena. Wala pang details for the ticket prices. :(

Definitely, pag-iipunan ko ‘to kaya as for now (habang naghihintay sa concert ng Anberlin at sa pagdating ng details ng Switchfoot concert), magsisipag na lang muna akong mag-duty as student assistant para naman magkamal ako ng enough na salapi para mabayaran ang pinag-iipunang unknown ticket price ng Switchfoot concert.

Excited na ‘ko. Ulit. Di kaya mamatay na ‘ko nito dahil sa constant excitement sa buhay ko? :)

6 thoughts on “Switchfoot! Switchfoot! The Second Helping

  1. wahhhhhhhhhhhhhhhhhh nangilabot ako sana makauwi ako nun para mapanood ko din ang switchfoot!

    aside sa Katinas, Kutless ang SWITCHFOOT ang mga favorite Christian band ko!
    hayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyst sana nakauwi na ako nun 2nd week of April ang end contract ko.

    wahhhhhhhhhhhhh ulit kasi ang Katinas napanood ko na sa Araneta
    wahhhhhhhhhhhhhhhh!

    Like

  2. he, he… hwag muna. ikaw rin, sige ka, marami pang magko-concert dito… :D

    may kakilala rin akong ganyan – nakaka kung ilang concert sa isang taon. aba e, kung doon happy, e… :D

    btw, sana nilagyan mo na rin ng video ng kanta ‘tong post, he, he.. demanding? :]

    Like

    • actually perstaym ko pong umattend sa ganitong concert. excited na kinakabahan nga po ‘ko kahit malayo pa ‘to hahaha.

      anyway, sa susunod pong similar post, maglalagay na ‘ko ng video gaya ng sabi niyo. :)

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s