2011: To-Dos, Must-Have, Expectations, Etc.

Napakabilis ng araw dahil 358 days na lang, Pasko na! Pero parang mabagal pa rin. It was just last year two days ago. Nagpapaputok pa nga rin ngayon ang ilan naming kapitbahay at sa buong maghapon na ito, pagkakuwan ay napagkakatuwaang hipan ng mga bata ang mga torotot nila.

Pero mabilis na rin talaga (oo, ako nang magulo). E paano ba naman, may pasok na kaagad sa Martes. Unang linggo pa lang ng taon, masigabo at mainit na pagbati kaagad ang isasalubong sa ‘kin ng ilang mga schoolwork at academic-related stuff. Long exam at proyektong ipapasa sa HIST1. PowerPoint Presentation para sa undergraduate seminar next week. First draft para sa Special Problem. Konti lang? Oo, pero bawat isa naman sa mga yun e dugo’t pawis ang kelangang ilaan at hanggang ngayong week lang silang lahat kelangang matapos.

Hay. E di cramming mode na naman ako mauuwi nito? Sabi ko pa naman, isa sa mga pipilitin kong gawin ngayong taon e iwasan ang pagca-cram. Tsk. Masyado kasing sinulit ang Christmas break. Ayan tuloy, walang naaccomplish… kahit ang pagpapataba para pumayat lang ulit sa pasukan, di ko rin nagawa. May isa kasing pesteng ngipin ang nagparamdam ng kanyang paghihinanakit at itinaon talaga sa panahong maraming pagkain ang nakahain sa mesa.

Tsk. Tama na ngang reklamo. Ililista ko na lang ang top three sa To-Do list, must-have at expectations ko para sa kasalukuyang taong 2011.

TO-DO

  1. Tapusin ang Special Problem ko by October. Counterpart siya ng Thesis pero relatively easier. Daw.
  2. Magtrabaho part-time sa isang IT company simula June.
  3. Sumali sa Saranggola Blog Awards. :)

MUST-HAVE

  1. The desire na matapos ang bawat sinimulang gawain, mapa-household chore man ‘yan o kwentong isinusulat.
  2. A getaway with my best friend in Singapore by late October or early November. Hohoho. I’m sooo looking forward to this. :)
  3. PERA!!! Lots and lots of it. Bahaha. May pinag-iipunan ako e. Included na yun sa must-have list ko for 2012. Kung ano yun, abangan na lang natin next year. >:)

EXPECTATIONS

  1. Ga-gradweyt ako! Medyo ayoko pa rin. Hahaha. Pero kelangan yun dahil suuuper-extended na ‘ko kapag di pa ‘to natuloy ngayong taon.
  2. Hindi matutuloy ang #2 sa Must-Have list ko kapag maaga at maigi itong pinag-planuhan.
  3. Uhh. Magmamature? Ng konti? O ng medyo konti? O not at all? O_o

Wala na ‘kong masabi pa. Mangyari na lang kung anong mangyari sa 2011 basta may magawa o matupad o magkatotoo kahit isa lang sa mga nabanggit ko sa taas. Magiging masaya na rin ako nun.

11 thoughts on “2011: To-Dos, Must-Have, Expectations, Etc.

    • hi jec!

      o siya sige. dahil sabi mo, naniniwala na ‘ko. ga-graduate ako! yes. :D
      salamat naman na-encourage din ako sa sinabi mo. :)

      manalig tayo, magma-mature tayo ngayong taon. maturity is inevitable naman e. haha.

      magandang araw rin sa ‘yo! :)

      Like

  1. ahaha, marami-rami naman ang natupad. ala, may listahan pala dine, nakakatuwa. pwedeng nang i-cross out ang iba, hihi… ^^

    di naman pala inilagay na magsulat ng medyo madalas sa blog kaya pala ang dalang ng entries, shaks… ^^

    o, asan na ang bagong post? ;)

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s