Naaamoy Ko na’ng Sembreak!!!

may ilang hudyat, babala, notice, senyas at kung ano pa mang ibang synonymous words, na magtatapos na aking semestre. ang unang hudyat ay ang pagpasok ng Setyembre (sign din lang na malapit na ang Pasko). pangalawa naman ang mga parami nang paraming pagdagsa ng mga ibinibigay na project specifications pati na rin mga nakakalitong sabay-sabay na exams. pangatlo, nawawalan na ‘ko ng panahon para sa pinakamamahal ko… para kay Tulog. (miss ko na limang unan ko pati na rin ang kama’t kumot ko.) pang-apat, hindi na mga roommates ko ang lagi kong kasama kundi mga groupmates na sa samu’t saring proyektong pinagbibibigay ng aming mga instructors at mga propesor. at ang huling hudyat (ang da best! siyempre “save the best for last” ika nga.), nagtatanong na ang nanay ko ng kinatatakutan kong tanong, “o ano, lusot na ba lahat ng subjects mo?”

kahapon, muli kong narinig ang tanong na ito. ngani-ngani kong sabihin ng diretso sa ermats ko, “Hindi ho… yata.” eh sa yun ang nakikita kong posibleng mangyari eh. (oo. pessimistic ako. negative lagi perception ko sa mga bagay. >.<) pero siyempre, para naman sa konsolasyon ng nanay ko na mas malaking pera ang ginagastos at mas malaking paghihirap ang dinaranas para makapag-aral ako pati na rin ang aking mga kapatid (naman. may konsensiya pa rin ako.), “kakayanin po” ang aking isinagot. o di ba? contradictory ang positibong namutawi sa bibig ko sa nabuong negatibong persepsiyon ko. ganun lang talaga. magulo.

sa totoo lang, kakayanin ko naman talaga eh. sabi kaya ni Paul sa Bible, “I can do all things through Christ who strengthens me.” dahil tao rin naman akong tulad ni Paul, malamang applicable sa ‘kin sinabi niya. hay. naaamoy ko na talaga’ng sembreak…

pero bago ko malasap ang langit eh makikipagbaka muna ako sa dalawang linggong toxic na iskedyul.

4 thoughts on “Naaamoy Ko na’ng Sembreak!!!

  1. hahaha! :) pareho tayo ng nararamdaman! :) dalawang linggo pa!!! hahah
    kung anu-ano na ang pinapagawa sa’min ng teachers namin. naaamoy ko na ang sembreak kasi naaamoy ko na sarili ko(may mga araw na di nakaligo dahil sa projects). hahah

    God bless sa’tin! :) kakayanin!
    gandang araw singkamas! :)

    Like

    • haha. natawa naman ako kung bakit naaamoy mo na rin ang sembreak.

      ow yeah! kakayanin ‘to! malapit na rin naman matapos.
      magandang araw din sayo kat! :)

      p.s. maligo ka na ha? kung sakali mang di ka pa rin nakakaligo sanhi ng iyong kaabalahan sa mga projects. hehehe. ;p

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s