Sige, Mapagod Kang Mag-blog Gamit Cellphone!

ayos talaga ang era natin ngayon. makabago na. kaya nga’t heto ako ngayon, nakaupo sa tapat ng aking study table sa loob ng aking room sa dorm, at nagta-type ng post na ito mula sa keypad ng aking cellphone. ubos na naman ang load ko nito pero ok lang. tinatamad kasi akong lumabas para makakunekta sa pandaigdigang malawakang sapot. wala naman kasing internet connection dito sa dorm at ayokong manghiram ng broadband usb stick ng roommate ko. ako din naman maglo-load nun e di mas mabuti pang mag-ubos na lang ako ng natitira pang sariling cellphone load.
so ano ang point ng post na ‘to? ewan. di ko rin alam. masyado lang akong namamangha sa itinatakbo ng makabagong teknolohiya ngayon. nakakalula ang pag-unlad nito pero may nabasa akong balita nung nakaraang buwan, malaking porsiyento pa rin ng mundo ang hindi pa naaabot at nakakaranas ng pagbabagong ito (nakalimutan ko kung saang specific site ko nabasa pero sa ‘king hinuha’y credible naman). pero minsan, naiinggit ako sa mga taong kabilang pa sa nabanggit na malaking porsiyento. payak lang ang kanilang pamumuhay at walang kakumplikaduhang teknolohiya ang iniintindi sa buhay. pero minsan lang ang pagkainggit na yun. nangyayari lamang kung naguguluhan na ‘ko mismo sa mga nangyayari sa paligid dahil sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya. mas madalas pa rin namang ikinakatuwa ko na naipanganak ako’t naabutan ko ‘to. madalas naman kasi akong makinabang tulad ngayon. pero masakit na ang dalawa kong hintuturo kaka-type. mas masaya pa ring mag-blog gamit ang aking nakasanayang laptop kesa maliit na cellphone.
isa pa, kailangan ko na ulit bumalik sa pagrereview. :p

6 thoughts on “Sige, Mapagod Kang Mag-blog Gamit Cellphone!

  1. makapangyarihan ang teknolohiya
    kagaya ng blog, madaming pwedeng matutunan
    ang mahalaga ay nasa wasto ang paggamit nito.

    be blessed!

    PS parang ang hirap nga na magtype sa cp ng isang blogpost

    Like

  2. pa-koment uli. :s

    ha,ha… ang joke namin noong araw, as in, early ’90s, na kokonti pa lang ang may PC no’n sa Pilipinas – darating ang araw na daliri na lang ng tao ang magiging pinaka-useful nyang body part. dahil dito sa piyesa mo, sumagi sa isip kong parang nagkakatotoo na ‘yon, he,he..

    alam mo, may point ka r’yan. ang convenience e, may built in ring katamaran. pag mahina ang resolve ng tao sa paggamit ng technology, hala, samutsaring kakatwang habits ang nade-develop… :s

    pero, parang excluded ka pa ro’n. eto’t nagpo-protesta ka pa thru your blog post, he,he… gusto ko ‘tong post mong ‘to. :]

    Like

    • naisip ko tuloy about sa joke niyo noong araw, the world is at your fingertips.:)

      salamat DPSA dahil nagustuhan mo ‘tong post na ‘to. nahirapan talaga ‘kong i-type ‘to e. hehe.

      Like

  3. yellow pages? he,he… naku, mga flip talaga ang mga barkada ko no’n, mostly ay graduate sila ng MaSci at PhiSci [HS] at puro usapang scifi ang maririnig mo sa mga mokong at timang. nai-imagine pa nilang magsi-shrink daw ang utak ng tao dahil di na gaanong magagamit – mga gano’n…

    di pa magsi-shrink daliri mo. matagal naman process ng evolution, he,he.. :]

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s