Kailan Matutuloy ang mga Balak Nating Dinners?

Dahil nagsimula na naman ang panibagong semestre, naipon na naman ang mga pinaplanong dinners. Kabi-kabilaang dinners ang pinaplano dahil nagkalat din sa tabi-tabi ang mga kaibigan, kakilala, blockmates, orgmates, ex-roommates at kung sino pang mga mates.

Actually, tatlo pa lang naman ang dinners na kailangan pang mairaos. Dalawa sa mga iyon, ako mismo ang pasimuno at nagplano. Yung isang dinner, dating roommate ko sa Men’s Dorm ang nag-aya.

Pinakauna kong sinimulan ang dinner para sa batchmates ko sa org, ang Navigators. Apat lang kami sa batch namin. Our batch goes by the name of Chief’s Delight. Anyway, May pa lang sinabihan ko na sa Facebook ang tatlo ko pang batchmates. Atat daw? I asked them: Kurdapyo1, Kurdapyo2 at Kurdapya, Chief’s Delight batch dinner sa first sem ng ating last year sa college? Lahat naman sila sumagot ng ‘oo’.

Ayun, natapos na ang first week ng first sem ng aming last year sa college pero walang dinner na naganap.  Sadya lang ba talagang tanga ako sa pag-oorganize at pag-iinitiate sa mga ganitong bagay? Oh well, may next week pa naman. Pwede pa ring ihabol yun.

Teka, next week nga din pala ang binabalak ni ex-roommate na dinner. Yun naman ay dinner naming apat rin na dating magkakasama sa room sa Men’s Dorm. Tsk. I need cash. Mukhang sa LB Square pa man din kami mapapasabak ng kainan nito.

Hmm. Di pa rin naman sure yun. Dati na namin ‘toong plinano. Summer last year pa yata, pero hindi rin natuloy. Sana this time, matuloy na. As my ex-roommate had said, “We have to date ourselves.”

Yung isa ko pang dinner na sinasabi, with an orgmate naman. Noong summer pa kami nag-aayaan pero hindi pa rin natuloy. Nitong first week ng classes, dalawang beses kaming nagkaayaan pero dalawang beses ding naudlot. Salamat sa pabugso-bugsong ulan sa Elbi tuwing sasapit ang mga bandang hapon at pagabi na. Saktong babagsak ang ulan kapag nasa loob na ako ng dorm kaya nauuwi sa pagtetext ko sa orgmate ko ng Umuulan. Tinatamad akong lumabas. Next time na lang ulit.

Hay, ewan kung kailan ang next time na yun. Ako man eh naguguluhan din. Ambiguous ang pagkakasabi ko eh. Ah, basta. Bahala na.

Sana matuloy pa rin… kahit isa man lang sa mga dinner na iyon na binalak at pinagplanuhan. It’s not just the food that will matter, but the company also.

4 thoughts on “Kailan Matutuloy ang mga Balak Nating Dinners?

  1. ano naman ag sulatroniko at pook-sapot reli? nahilo ako.. nagisip pa ako eh magcocomment lang ako.. haha

    anyway, di pa din natutuloy ang “Let’s date ourselves”

    reli: haha you were born a thinker, that’s why. sulatroniko is email and pook-sapot is website. sana next week matuloy na.

    Like

  2. hehe, hay isa talaga yan sa mga namimiss ko sa elbi..kabi-kabilang dinner ng kung anu anong ka-mates….naalala ko na naman tuloy , after 5years ng pagpasok ko ng org, gumraduate na ako at lahat eh awa ng Diyos di pa din kami nakakapag batch dinner ng mga org batchmates ko after ng finals..

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s