Dear Istat Wan

‘Eto na naman tayo. Magiging tayo na naman ulit simula sa Hunyo. For the third time, we’re going to be together. AGAIN. Ga-gradweyt na ‘ko sa kolehiyo pero ayaw mo pa rin akong pakawalan. BAKIT? Ganun mo ba ‘ko kamahal? Di yata’t sobra namang pagmamahal yun to the extent na ma-retain ako sa college forever para lang makasama mo ‘ko? Hindi pa ba sapat na nagkasama tayo sa loob ng mahigit isang taon?

Hay. Bakit lagi mo na lang akong pinipilit mapasayo? Ni minsan hindi mo man lang tinanong kung mahal nga rin ba kita o kung ano man ang nararamdaman ko para sa’yo. Pwes, ngayon magkakaalamanan na.

I have never loved you! NEVER! Not even from the beginning of this relationship.

Naaalala mo ba ang una nating pagkikita? First sem noon ng aking second year sa college, pero first year pa lang ako, nakakarinig na ako ng mga bali-balita tungkol sa’yo. Ganun ka kasikat, alam mo ba yun? Marami ka na raw na pinaiyak na mga babae, pati na rin daw mga lalaki, dahil inagaw mo ang konsentrasyon sa kanila ng mga girlfriends nila. Hindi ko inintindi ang mga haka-haka at bali-balita tungkol sayo. Pakialam ko naman di ba eh first year pa lang ako ng mga panahong ‘yon.

Sumapit ang first sem ng second year of my college life at hayun, una kitang nasulyapan sa unahan ng Lecture Hall. Grabe, intimidating ang dating mo! Doon na nga nagsimula ang unusual hatred ko sayo… na tinapatan mo naman ng wagas na pagmamahal. Oo, wagas! Isa ka talagang martir. Pasalamat ka at na-convince mo ‘kong sagutin kita… pero ang matamis kong “oo” ay hindi dahil sa mahal kita. It was out of pity. Don’t worry, the pity is not for you. It’s for me. Naawa ako sa sarili ko dahil kukulitin mo lang naman ako lagi kapag di kita sinagot.

Tuwang-tuwa ka naman at nasungkit mo ang “oo” ko. Nag-alab lalo ang apoy ng taglay kong pagkainis sayo kaya’t for one year eh cool off muna tayo. Contrasting di ba? Pero hayaan mo na. Magulo naman talaga relasyon natin eh. Pagkatapos ng labindalawang buwang cool off tayo, binalikan kita para tapusin na finally ang namagitan sa’ting dalawa. Pumayag ka naman.

Right after our break-up was the semestral break. Mukhang tanga naman akong nagtatatalon sa tuwa ng mga panahong iyon dahil una, I was free from you (or I thought so) at pangalawa, siyempre sembreak, bakasyon engrande mode ako. Sows. Kung alam ko lang ang sasapitin ko pagkatapos ng sembreak, baka hindi ako nagtatalon sa tuwa at sa halip ay humagulgol ako at magpabaha ng luha.

Ayan na nga. Dumating ang second sem. Third year na ako. Naging tayo ulit sa pangalawang pagkakataon. Bakit ba kasi nagpaloko ako sayo? Tsk. Tsk. Di bale na, ako rin naman kasi ang mapapasama kaya’t naging tayo ulit. Wasak ang puso ko sa ginawa mo. Mali pala. Ako nga pala ang may kasalanan. Hay.

Ayos na ang lahat. Di naman tayo nag-aaway, but I think you should know that the intense hatred was still there during those calm and peaceful times in our relationship. Nakipag-break na ulit ako at tinanggap mo ulit yon. Ngayon ko na-realize, you’re such a masochist. Sinabi ko sa sarili ko na “Okay, final na talaga yun. Hindi na ako muling makikipagbalikan pa sayo.” So, ayun, natapos ang isang sem na wala namang problemang namagitan sa’tin matapos mong tanggapin ang pag-ayaw ko… until the summer season after our break up.

Nanginginig ang buong katawan ko ng makita ko ang sulat mo sa akin na naglalaman ng isang pagbabanta. You’ll be mine, again. Hindi. Hindi pala pagbabanta yun dahil gagawin mo talaga yun. I cannot escape what is inevitable. Nanginginig talaga ako. Hindi ko alam kung tutuloy ba sa pagpatak ang mga luhang nangingilid sa’king mga mata pagkabasa ko sa sulat mo… but they did anyway.

Ilang araw na ang nakalipas ng mabasa ko ang sulat mo. Tanggap ko na ang sinasabi mo, but everytime the thought of me being yours decides to knock at my memory’s door, I still get the shivers.

Sa kabila ng lahat ng iyon, sisiguraduhin ko na this time will be our last time together. Hindi na ito mauulit pa. Hindi na kita uulitin pa!

Naghihinagpis,

Istat Wan’s Retaker

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s