Kailan nga Pala ang Malapit Na?

Malapit na ang bakasyon. Excited na ‘ko dahil pagkatapos ng bakasyon, mag-oojt na ‘ko at pagkatapos ng summer, 4th year na ‘ko sa sunod na pasukan. Ibig sabihin lang, malapit na rin akong grumadweyt. Malapit na din na maghanap ako ng trabaho at pagkakakitaan sa buhay.

Datapwat, ngunit, subalit, pero bago ang lahat ng ‘yon, sandamakmak at sangkaterba munang kape at energy drinks ang dapat kong laklakin sa mga gabing hindi makakaniig ng ulo ko ang unan sa kama.

Malapit na ang bakasyon…

Kaya nga’t nagsisimula ng dumagsa ang mga projects na ibinibigay ng mga propesor at instructors ko.

Malapit na ang bakasyon…

Kaya nga’t di ko na malaman kung paano ko hahatiin ang aking sarili sa kabi-kabilang pagpapatawag ng mga group meetings.

Malapit na ang bakasyon…

Kaya nga’t tapos na ang hibernating season ng aking mga eyebags.

Malapit na ang bakasyon…

Kaya’t no’ng isang gabi lang ay hindi ako umuwi ng dorm, bagkus ay nag-overnight sa Boston Cafe at pinilit tapusin ang isang requirement.

Ayaw ko ng mga ganitong klaseng group meetings. Yung mga tipong you have to pull an all-nighter para may matapos (o kung hindi man e para may partially finished) na trabaho. Bakit ayaw ko? Kasi masarap matulog… at dahil all-nighter yung ginagawa ko, di ko nararanasan ang sarap ng tulog. Ayaw ko rin dahil naaapektuhan ang mood ko kapag wala akong tulog. Nagiging bugnutin ako at ‘wag na ‘wag mo ‘kong iinisin dahil baka kung anong kapahamakan lang ang mangyari sayo.

Gusto ko ng mga ganitong klaseng group meetings. Bakit gusto ko? Kasi na-eenjoy ko yung company. Kahit ba sabihing academic work yung ginagawa namin, nandun pa rin yung concept ng bonding. Nagiging kaibigan ko yung mga naging groupmates ko na dati ay hindi ko man lang kilala o pinapansin. Masaya yung mga ganitong group meetings. Mararamdaman mo yung cooperation ng bawat isa sa grupo. Siyempre yung mga present lang sa meeting. Gusto ko ng mga ganitong klase ng group meetings dahil nakakatuwang tingnan ang mga teammates ko na nagtutulungan to achieve a common goal, which is matapos ng maayos ang project na ginagawa. Isa pang dahilan ng pagkatuwa ko e nahahatak pataas ang grades ko pagkatapos ng sem. Dahil group project, kung mataas ang ibinigay na grade para sa project, lahat ng group member ay mataas ang makukuha. Malas ko na lang kapag nahatak ako pababa.

***

Wire extension yan ng groupmate ko na isinaksak sa isa sa mga sockets sa Boston Cafe nung mag-overnight kami sa paggawa ng project. Software development ang ginagawa namin kaya mga plugs ng mga laptop namin yan. Hindi lang ang grupo namin ang nasa kapehan ng gabing yun, may tatlo pang iba. Bawat grupo ay may limang miyembro at bawat miyembro ay may sariling laptop. I’m letting you do the math. Anyway, ang epekto? Nagkaubusan ng wall sockets sa Boston Cafe ng gabing yun. Ang bagal din ng connection dahil sa dami ng nag-aagawan sa wifi signal. Siyempre hindi lang kaming mga ComSci ang nandun. May iba pa rin namang customer ang nabanggit na kapehan.

Di nga pala pwedeng mag-connect o gumamit ng wifi signal kapag walang item na na-purchase sa kanila. E ang mahal naman yata ng kape nila. Dahil mga estudyante kami at nagtitipid, at least isang member per group ang bibili ng kape pero lahat sa group ay makakagamit ng wifi at makakapag-charge ng battery. Pumasok kami ng alas-otso ng gabi. Lumabas kami ng alas-singko ng umaga. Tingin ko e hindi naman nalugi ang Boston Cafe dahil sa ginawa namin. Medyo lang?

3 thoughts on “Kailan nga Pala ang Malapit Na?

  1. Ahaha, parte ito ng nami-miss mo sa school life? Ang mag-anticipate ng bakasyon at mag-ON para sa project, ang manlugi ng kapihan? Hihi…

    Nakabalik na ba kayo sa Boston Cafe para magpasalamat? ^^ Hello, singkamas! :)

    Like

Leave a comment