Dedma

ikaw ang itim na langgam
na naglalakad palapit
sa mga daliri kong nakakapit
sa leeg ng bote
ng iniinom kong green tea.

ikaw ang dahong nalaglag
sa aming bubungan
isang hapong maulan
at ihip ng hangi’y malakas.

ikaw ang tingang
nagsusumiksik sa’king bagang
hindi kapansin-pansin at
natatanggal lamang
pagkatapos mag-toothbrush.

ikaw ang isang sipit
na naiwang nakasabit
doon sa sampayan
ng aming kapitbahay.

ikaw ang agiw sa atip
na laging nakalambitin
subalit kung pansinin
tuwi lamang kung tatanggalin.

ikaw ang butil ng kanin
na tumalon sa labas
ng aking kutsara
kaya’t naiwang mag-isa
humilata sa mesa.

ikaw ang picture frame
na tabinging nakasabit
sa dingding ng aming sala
at nagmamasid sa’ming mga bisita.

ikaw ang dumi ng aso
doon sa aming eskinita
na laging iniiwasan
at iniingatang huwag maapakan.

ikaw ang masugid na fan
ng isang artistang sikat
subalit malabong matapunan
ng ngiti niyon ng malapitan.

ikaw ang kerubim
na naninirahan doon
sa ibabaw ng book shelf
saki’y laging nakamasid
at ganti ko nama’y
isang ngiting paismid.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s