Bakit Hyper Ka Ngayon?

magbayad kayo!

…(wing representative namin sa dorm kumatok sa pinto)…

3105 inhabitants: (pasigaw) pasok!

wing rep: maniningil lang po ng P100 for dorm fee at food sa acquaintance party.

reli: hala! labas! labas!

kape…

reli: gusto ko ng iced white mocha. gusto ko mag-café antonio.

mj: edi pumunta ka dun.

reli: tara mj! punta tayo.

…after 20 mins…

mj: ang tapang naman ng kape!

reli: masarap nga e.

mj: hindi yung lasa! yung kulay tinutukoy ko.

reli: e talaga namang matapang ang kulay ng kopiko a. lalo na yung sayo kasi 2 in 1.

mj: onga. e 3 in 1 naman kasi yung sayo. di ba  may nescafe na 3 in 1 tapos sugarfree?

reli: ewan dun! pano yun?!

high hayper-aktibiti!!!!

reli: bakit ang ingay ko ngayon?

raq: onga. ano nilamon mo at nagkakaganyan ka?

mj: bakit nga ba, reli?

reli: inlab kasi ako.

raq & mj: hahaha. ikaw?? inlab?? high ka reli!

reli: o baka dahil sa uminom tayo ng kape, mj?

mj: hindi rin e. maingay ka na bago pa tayo uminom ng kape.

reli: hala. nasa bulsa ko pa toothbrush ko. nadala ko na naman sa labas. siguro yun ang dahilan kung bakit ako hyper. it acted as parang agimat or something lang ba? tingin niyo guys?

mj: haha. siguro nga! baliw ka na. pati toothbrush mo binbitbit mo sa labas ng dorm.

reli: a alam ko na! maghapon na ‘kong nakakasinghot ng amoy kape sa room natin! dun yata galing sa balot ng suman mo mj.

raq: bakit mag-aamoy kape yung suman reli?

…kalokohan nga naman pala yung suman na nag-amoy kape dahil hindi naman pala talaga yun ang nangangamoy…

…later nalaman ko kay ate karen na meron siyang dalang isang kilong kapeng Batangas…

…at yun palang supot nun ang may kagagawan kung bakit ako high…

…hypothesis ko lang yun… di pa final at proven conclusion…

text twist 2: the 3105 tournament

…8:30pm…

raq:  guys may bago akong laro!

mj & reli: penge! … … teka ano ba yun?

raq: text twist2…

…30 mins later…

mj: wuhow! perfect puzzler! great job!

(tahimik ang lahat at nakatututok sa kanya-kanyang laptop; text twist2 sounds lang maririnig sa paligid)

raq: (pabulong sa sarili) ha? tatlo lang?

(tahimik ulit)

raq: grabe naman ‘to! ang hirap a.

reli: argh!!! natatanga na ‘ko!

… after 1 hour…

reli: woot! highscore haha! cheap win. blehh.

raq: tutulog na ‘ko. goodnight people.

mj & reli: goodnight.

…11pm… tulog na si raq. kami na lang ni mj naglalaro…

mj: argh!! mali!!

reli: adik! yun lang pala yung word na yun! tsk. tsk. tsk.

…12pm… team effort.. nakisawsaw na si mj pati si ate karen sa paglalaro ko…

ate karen: sin… nit… nits… ants… ant…

mj: tan… sit… tin… tins…

reli: (paspasan ang pagta-type) isipin niyo yung big word!!! malapit na mag-time!!

…1am…

ate karen: put… tip… spit… puts… rust…

mj: tips… sip… sips… rut… ruts…

reli: malapit na mag-time o! bilis!

mj: ano ba kasi yang word na yan?

reli: spurts?!? e pano yung isang i?

ate karen: mura yata yan e. p*tris!

mj: ayan time na o! purists yung big word.

ate karen & reli: p*tris ang adik na big word…

…2am… gising pa rin ako.. tulog na si ate karen at mj… ingay na lang ng kuliglig ang maririnig… at…

mj: low… … gun… lowly…

…muling katahimikan…

mj: hello… … … type?

…natawa na lang ako. di yata’t pati sa panaginip ni mj ay may tournament ng texttwist2 na naganap…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s