Sino Si Erlynne?

Simple, tahimik , mahiyain at ubod ng bait. Maamo ang mukha, naka-eyeglasses at laging naka-ponytail ang mahabang buhok. Salutatorian nung high school. Siya si Erlynne, ang all-time high school crush ko. Hindi ko alam pero siguro nga, siya na rin ang first love ko.

Freshman ako nung nag-transfer siya sa school as a sophomore. Hindi ganun kaganda si Erlynne pero malayo naman sa pangit ang kanyang itsura. Maputi siya at matangkad. Maganda rin ang posture. Pero secondary lang yung mga characteristics na yun sa main factor kung bakit ako na-attract sa kanya – which is yung ngiti niya.

First day pa lang ng classes nun. Habang nakapila ang buong school at naghahanda para sa flag ceremony, kanya-kanya namang conversation ang mga estudyante. Freshman ako at sophomore siya kaya natural magkatabi lang ang pila namin. Napansin ko agad si Erlynne dahil sa maputi at matangkad siya. Hindi tulad ng mga kaklase niya, walang kausap si Erlynne. Tumitingin lang sa paligid at seryoso ang mukha habang inoobserbahan ang mga kapwa estudyante.

Nagulat ako ng magtama ang aming mga paningin. Hindi ko alam kung dedma na lang o ngingitian ko pa ba to make her feel welcomed sa bago niyang school. Pero bago pa man ako makapag-decide, ngumiti siya sa akin. It was one demure smile.

Natapos ang first day ng class at sa mga sumunod pang araw, lagi kong hinihintay ang ngiti ni Erlynne—na natatanggap ko naman at nakapagpapaligaya sa kaunting bahagdan ng aking buong araw.

Hindi nagtagal ay naging kaibigan ko si Erlynne. At sa laking tuwa ko ay mas madalas ko ng masilayan ang kanyang ngiti, halakhak pa nga kung minsan. Tuwing sabay kaming kumain. O sa aming mga kwentuhan. Sa sabay naming pag-uwi. At minsan pa nga, weird man, tuwing magka-text kami. Ewan ko ba, parang nararamdaman ko yung real thing dun sa mga smileys na sinesesend niya sa’kin.

The whole time na high school kami, hindi nalaman ni Erlynne na crush ko siya. Pinakatatago kong sikreto ang pagtingin ko kay Erlynne. Ang lihim na pagtingin kay Erlynne ni torpeng Ako. Hindi niya nalaman na labis akong natutuwa kapag nginingitian niya ako.

Huli ko siyang nakita nung araw ng graduation niya. Mas maganda kaysa sa nakasanayan kong nakikitang itsura niya. Kulot at nakalugay ang kanyang usual na naka-ponytail na buhok. She was wearing some make-up at bagay sa kanya ang aquamarine dress na suot at lalong nagpatingkad sa kanyang pagkaputi.

At minsan pa, nagtama muli ang aming mga paningin at gaya ng nangyari nung first day ng class, nginitian niya ako. Yun ang pinakagusto ko sa lahat ng suot niya sa araw na ‘yon.

Walong taon ang lumipas at sa loob ng mga panahong iyon, hinahanap-hanap ko ang ngiti ni Erlynne. Nagtrabaho siya sa Canada pagkagraduate niya ng college pero may communication pa rin naman kami. After kong grumaduate sa course kong Veterinary Medicine, kasama sa mga balak ko ang sundan siya sa Canada at doon magtrabaho. Mababaw man na dahilan pero sa ganun ay makikita kong muli ang mga ngiti ni Erlynne.

Hindi natuloy ang binabalak ko. Hindi ko na minsan pang nakita ang demure smile ni Erlynne.

Patay na si Erlynne at first death anniversary niya ngayon. Namatay siya last year at the young age of 24 dahil sa leukemia. Naaalala ko nung huling gabi ng kanyang lamay, habang tinitingnan ko ang payapa niyang mukha sa loob ng kabaong, tila ba may ngiti ang kanyang mga labi na katulad sa mga ibinibigay niyang demure smiles sa’kin noon. Naluha ako at pabulong na sinabi, “Mamimiss ko ang ngiti mo, Erlynne. Salamat nga pala sa mga ‘yon.”

Di ko maiwasang mapaluha muli. Sariwa pa sa aking isipan ang alaala ni Erlynne at ng kanyang katangi-tanging ngiti. Kasama sa mga luha ng alaala ni Erlynne ay ang aking mga luha ng panghihinayang sa hindi ko pagtatapat na naging mahalaga sa akin ang kanyang mga ngiti. Na hindi lang ang kanyang mga ngiti ngunit siya mismo ay naging mahalaga sa akin.

Ngunit ganun man ang kinahinatnan ng mga pangyayari, kuntento na akong tanggapin ang katotohanang binigyang kulay ng demure na mga ngiti ni Erlynne ang kaunting bahagi ng aking buhay.

5 thoughts on “Sino Si Erlynne?

  1. Erlynne? I know someone by that name who lives in cebu, who fits your description and some parts of your story perfectly.. key words here is “fits” and “perfectly”..she’s turning 24 this december and she’s freaked out. you might want to shed some light on this matter, if its not such a bother.. Coincedence? I hardly thinks so..But then again, there are too many things in life that we cannot answer..Nice story by the way

    Like

    • i’m glad that you think this story’s nice. anyway, this story was purely done out of my imagination. your friend, Erlynne, need not to be worried because i don’t even know her. having the same name with my main character in this story definitely was just a coincidence. although i apologize because she freaked out, maybe because of that leukemia and death part of my story. but she doesn’t have the disease, does she?

      Like

  2. Thankfully, no. She doesn’t have the disease. But she had a cousin who did, and I think that’s why she got freaked out.. Well, it’s just one heck of a coincedence then. You don’t have to apologize, ‘coz you did not do anything wrong. It’s your story to tell, and you’re entitled to whatever you write..I guess I know now why books have disclaimers saying “all characters and events are fictional” or something like that.. Thanks for replying to my inquiry. I wish you a good day, and keep up the good work!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s