recursion

Posted in kung ano lang na may mga marka , on Enero 28, 2010 by singkamas

walang katuturan
at kahulugan..
ang pag-agam-agam
sa mga bagay na
walang katuturan
at kahulugan..

Backtrack. Emend. Regress.

Posted in kung ano lang na may mga marka , , , , on Disyembre 6, 2009 by singkamas

Oh how I’ve tried to get you out of my head
And I lied, broken words I said.
Never thought I’d walk on this street again,
Standing where it all began.

It was completely a lie. Lies really won’t get you anywhere. Or me, for that matter. I can’t blame immaturity for saying that. No, it was me. It was all for my selfish reason. It was all because of one wrong decision.

Tried to forget when I left this town,
But it takes me right back when I come back around.

Where we’re at now, who we are now… is the reality. I can no longer hold on to a nonexistent could-have-been.

Retrace the steps we took on that long summer night,
I’m back there by your side.
Retrace the steps we took when we met worlds away,
Counting backwards while the stars are falling.

I can’t help but to give in. Flashbacks. They keep on barraging the doors of a specific closet. I’ve locked it all inside that closet, but they are persistent. I can’t help but to give in.

Oh now I find every subtle thing screams your name,
It reminds me of places and times we shared.
Couldn’t live locked in these memories,
Now I’m chained to my thoughts again.

I gave in and so the tables have turned. I am a prisoner in a jail, where the thoughts from the past guard my cell.

And I tried to forget when I left this town,
But I’ll take you right back if you come back around.

I am seeking for a requisition. That you, yourself, take me out of this rut that I’m in and give me back that kind of freedom I know I once had with you.

Retrace by Anberlin

Picture

Posted in kung ano lang na may mga marka , , , , , on Disyembre 2, 2009 by singkamas

your image.

fast heartbeat.

past memories.

river of tears.

barrage of regrets…

what-ifs.

maybes..

silent sob.

pause.

missing you.

Bakit Naman Kasi Eh?

Posted in bakit na may mga marka , , , , on Nobyembre 14, 2009 by singkamas

hey dude?

>bkt tsong? nu un?

naalala mo ung snasbi kong 3p ko? bnura ko kc sya sa fb kahapon. eh tas kinausap nya ako kagabi. mdyo ok nanaman kami. kaso nalaman nya ung gnawa ko sa fb. haha.

>aa un 3p mong iba nman un 3p? nung nngyari ng mlaman niang binura mu xa s fb?

haha, yea yea. sya nga. eh aun, ngtxt kninang umaga tas sabi nya “aw”. nagtaka naman ako kung bakit ganun, tas un nga naalala ko ung gnwa ko. eh sa kapraningan ko nagsinungaling ako. wahaha. pero bnawi ko agad tas inamin ko ung totoo. haha.

>wahaha tlga nga naman pg confused o haha. nu sbi nia nung mlman 22o?

sabi nya ok lang “daw”. haha, pero mukhang nagalit. jeez, di ko naman kc akalain na mbbuking agad ung gnawa ko e.

>pfft preho lng pla kaung nglolokohan haha. nsktan un nhi2ya dn lng umamin. aw edi add mu nlng ulit.

err, un nga ung problema e. ayoko na syang i-add. haha, parang gs2 ko na kc putulin ung komunikasyon nung binura ko sya. eh un nga lang bgla naman ako knausap. >_<

ang plano ko kasi mga next week ko na ssbihin sa kanya na itigil na to. kaso, nabuking agad e.

>waa so dhil medyo ok n kau, panu mu p mssbing tigilan niu n yan?

un nga e, haha. gling talaga, whew. un na ngaun ang pnoproblema ko, gs2 ko na kcng tapusin ito. nkakapagod na, tska nkakawala ng konsentrasyon.

>tsk3. mga ganyan tlga panira e haha. tpatin mu kya. kw dn mhi2rapan e.

err, haha. ang hirap e. hay.

>haha pansin ko nga rin e. di mu pa nga nssbi, nhhirapan ka n.

haha. tsaka nagtataka lang ako sa kanya. kc kahapon nagbbiruan kami, sbihin ko na daw kung anu daw ung ssbihin ko. ang sabi ko naman wala akong ssbihin tska kung meron man di ko naman alam ang mppala ko. eh joke lang naman ung mpapala na part e. dinibdib ata tas sbi kung sa tingin ko daw b may mpapala ako sa kanya.

>ay bglang ganun. nu sagot mu s tanong na un?

dahil sa mdyo ngulat ako dun sa sbi nya kc, joke nga lang un. ang sbi ko na lang “un nga ang iniisip ko e. meron nga b?” eh ung sgot ko na un pa-joke lang din. sbi b naman sa akin, “wala ata, wala akong kwenta nu.”

>aww kht joke lng ansakit nun a. pro di ba mnsan tntago ang 22o behind those jokes?

kaya nga e, feeling ko tuloy di pa nga ako umaamin na turn down na agad ako. =)) eh tas sbi ko sa kanya ay kwenta naman sya. tas aun bumanat ulit, sbi ba naman e “sige nga, anu ba ang naging kwenta ko sau?”

>haha nanghuhuli ang adik. nu sbi mu?

kaya nga eh, haha. sbi ko “ayaw mo atang maniwala e, bsta may kwenta ka.” aun bumanat ulit sbi “bka tlagang wala lang akong kwenta.” sa sobrang pagkapikon ko sa kakulitan nya ang sbi ko na lang “o sige ganto na lang, may kwenta ka kc mahalaga ka sa akin.” takte pagkatapos ko sbihin un napakagat ako e.

>gawd! grabe tsong di ko kinaya a. haha kinilig un i bet. strong mu tlga

haha. =)) ndulas lang ako nun. kinabahan nga ako e, kasi nagtanong sya sbi “tlaga? gaano at paano naman ako kahalaga sau?” takte sbi ko “ayaw mo ata maniwala. bsta sa akin na lang un.” sbi ba naman “eh kasi parang di ko naman ramdam.”

>wahaha iparamdam mu kase. lol. nu sinagot mu dun?

haha, lol. sbi ko “eh di ko naman kc balak na iparamdam sau, di ko nga rin dapat sinabi sau kaso ang kulit mo.” bumanat ba naman ng “tlaga?” tas mdyo ntahimik kami. tas ngslita ulit sya sbi nya “pero mahalaga ka rin naman sa akin.” natawa na lang ako e, parang gusto kong sbihin “pre, ang cheesy mo.”

>ang keso niyo! haha kaya di mo sinabi kc nrealize mu na keso ka din e nu haha. nu nlng nsabi mu instead?

tama ka dyan. haha. eh naisip ko baka ang ibig nyang sbihin sa mahalaga e bilang kaibigan or nkababatang kapatid. so sbi ko na lang “tlaga? sbi mo e. maniniwala na lang ako.”

>e tka panu un. di p rin b nbbago un fact n may 3p prn xang iba?

kaya nga e,gsto ko sanang itanong kung anung ibig nyang sbihin sa mahalaga. kaso alam ko tlagang may 3p syang iba.

>waa ang hirap naman n kalagayan mu. lipat ka na lng ng school pra mwala na pnproblema mo wahaha

wahaha, grbe naman. ayos nga e, pagkatapos naman naming maging mdyo ok kahapon, nbuking naman ung gnawa ko. whew, di ko na tuloy lam gagawin ko. haha, wala na nga din akong msbi sa kanya e.

>haha nkkbaliw nman yan. prangkahin mu na kasi. kht cguro s txt lng. sbhin mu kng bkt mo gnwa un. sabay di kn mgrrply tpos mgppalit ng bagong sim wahaha

hahaha, un nga din balak ko. eh kaso ang balak ko tlaga mag-iipon muna ulit ako ng kakapalan ng mukha. haha, takte di ko nga akalain na masasabi ung mga bagay na un e. naisip ko tuloy, sana naging ganito din ako nun kay kuya alfred. haha.

>walaa. nag-move on ka na. wag mu isipin mga what-ifs at sana haha

haha, di ko naman iniisip un e. ang gs2 ko lang matapos na ito, pra happy happy na ulit.

>haay mttpos lng yan pg kumapal na mukha mu.

haha, antagal kasi e. pero di ko na lang muna sya kakausapin. mag-mamasid-masid  muna ako.

>bka nman s pgmmasid-masid mo lalo k lng mwalan ng focus nian

di naman siguro, hehe. tsaka suko na rin tlaga ako. haha, wala naman daw kasi akong  mapapala e. wahaha.

>hm onga. wla nlng pansinan haha

haha, ok lang naman siguro un d b? haha.

>onaman. pro di ka rn b nia ppansinin once n di mo n xa pnansin? panu kng di nia mgawang umiwas?

aw, un lang. di ko pa din alam, pero di na lang muna ako magpapakita.

>haha lagot ka pg npansing umiiwas ka. pano na lng pg ngtanong un ng “iniiwasan mo ba

‘ko?” haha

lolz, haha. err, di un. kung saka-sakaling iwasan ko sya ngaun bale 2 beses na ito. eh nung una naman, balewala lang e. sigurado ako ganun din ngaun.

>edi masaya pla kng ganun. di nga lng ganun kasaya haha. ang gulo

haha, yea. kaya nga feeling ko ako lang pinakaapektado sa aming 2 e. haha.

>onga haha feeling ko rin e.

haha, ang saya saya. tsk, pero ok lang. marami pa naman dyan e, haha. may ganun.

>wahaha tama naman e

haha. ay salamat pala. medyo ok na pakiramdam ko ngaun. hehe. buti na lang andyan ka. ü

>aw anytime dude. i’m just a text away haha =)

ü gege. ikakain ko na lang muna ito. haha, maraming maraming salamat tlaga.

Ano sa Tingin Nila ang Balut?

Posted in ano na may mga marka , , , on Nobyembre 6, 2009 by singkamas

balut

Kumakain ako ng balut kagabi at di maiwasang maalala ko ang isang pangyayaring involved ang balut.

Isang maliit na grupo ng mga high school students from Hong Kong ang pumunta dito sa Pilipinas para magsagawa ng isang outreach program na requirement sa school nila. Sa pagtuloy nila dito, naging host nila ang head ng org na kinabibilangan ko. Na-invite sila isang gabi sa general assembly ng org. Dahil mga foreigners, nakatuwaan namin na pakainin sila ng balut.

Inabutan sila isa-isa ng balut (yung nasa eggshell pa, hindi yung nakagarapon mahal yata yun eh) at tinuruan sila ng isang org member kung paano ito kainin. Nang makita na nila ang laman…

Student # 1: (closely scrutinizes the delicacy) Is this a platypus?

Student # 2: (pokes at the chick) No, are you silly? Look at it. It’s hairy. It’s a bear.

Ang sama namin pero hindi namin mapigil ang tawa. Lalo pa kaming natawa ng makitang ibinuhos ng isa sa kanila ang lahat ng laman ng maliit na plastic ng asin sa balut na kinakain niya. Siguro dahil ayaw mapahiya, tiniis niya ang alat at naubos niya ang balut na kinakain.

Nang makitang tapos na ang isa, nilapitan siya ng isa naming orgmate at sinabi, “Congratulations! You have just eaten a duck abortion!” Nabigla siya sa sinabi ng aming orgmate at matapos ang ilang sandali ay maduwal-duwal na nagtanong, “Where’s the comfort room?”

Haay ewan. Masarap naman ang balut. Kung sabagay di naman nila nakagisnan ang pagkaing yun. Pero bakit may mga kapwa tayo Pilipino na hindi rin kumakain ng balut? Pag ang balut sisiw na, alam ko di na nga naman kaiga-igayang kainin. Mabibilaukan ka lang sa paglunok mo ng tuka dahil almost fully-developed na yung duck fetus. Mababadtrip ka pa dahil lugi ka at kokonti lang yung egg yolk. Kapag ganun ang balut na nakukuha ko, ewan, pero nafu-frustrate ako. Bitin eh. Pero kapag yung tama lang ang balut, ewan ko ulit but I don’t find it disgusting as some other people would.

Hmm. Ikaw, kumakain ka ba ng buong balut? O yung egg yolk lang? :P

And Off He Goes

Posted in kung ano lang na may mga marka , , , , on Oktubre 6, 2009 by singkamas

There was an ancient stone bridge

And beneath was a river so deep

That silently flows;

That entices many souls

To wonder at its beauty;

That takes away lives.

Over the years,

The river has drowned the miseries

Of numerous people

Who sought for the comfort

Of ending their miserable lives

By diving off the stone bridge

Into the depths of the river.

Now, there was a man –

A happy man –

Who sat at the edge of the bridge.

No, unlike the miserable people,

He came there

Not to end his life.

What could possibly be the cause

For a happy man to end his life?

Now the happy man came

And sat on the edge of the bridge

To admire the river.

Because he thought

That the river was splendid,

Most, when it sparkles underneath the sun.

After a while of sitting down,

He started thinking.

We all know that problems

Are inevitable in this world.

No, the equation is not complete

Without problems.

It would not be called life

Without its existence.

So this happy man

Has also some issues with Problem.

He hides beneath the façade

Of being happy and contented,

Yet underneath the mask

Is a pained and a burdened soul.

In his solitary moments

At the edge of the bridge,

The happy man’s mien changed

And he was dragged off to the bottom

Of the ocean of melancholy

After coming into conclusion

That his situation is filled

With apprehension and agony.

In the end,

He jumped off the bridge

And succumbed to the discouragement he felt.

Dedma

Posted in kung ano lang on Setyembre 30, 2009 by singkamas

ikaw ang itim na langgam
na naglalakad palapit
sa mga daliring kong nakakapit
sa leeg ng bote
ng iniinom kong green tea.

ikaw ang dahong nalaglag
sa aming bubungan
isang hapong maulan
at ihip ng hangi’y malakas.

ikaw ang tingang
nagsusumiksik sa’king bagang
hindi kapansin-pansin at
natatanggal lamang
pagkatapos mag-toothbrush.

ikaw ang isang sipit
na naiwang nakasabit
doon sa sampayan
ng aming kapitbahay.

ikaw ang agiw sa atip
na laging nakalambitin
subalit kung pansinin
tuwi lamang kung tatanggalin.

ikaw ang butil ng kanin
na tumalon sa labas
ng aking kutsara
kaya’t naiwang mag-isa
humilata sa mesa.

ikaw ang picture frame
na tabinging nakasabit
sa dingding ng aming sala
at nagmamasid sa’ming mga bisita.

ikaw ang dumi ng aso
doon sa aming eskinita
na laging iniiwasan
at iniingatang huwag maapakan.

ikaw ang masugid na fan
ng isang artistang sikat
subalit malabong matapunan
ng ngiti niyon ng malapitan.

ikaw ang kerubim
na naninirahan doon
sa ibabaw ng book shelf
saki’y laging nakamasid
at ganti ko nama’y
isang ngiting paismid.

Sino ba ‘Yang Nobody na ‘Yan?

Posted in sino na may mga marka , , , , , on Setyembre 19, 2009 by singkamas

Naaliw ako nang una kong mapanood ‘to. It was a post sa Facebook with a caption “pinakamalanding animation na makikita mo.” Sang-ayon naman ako dun haha. Na-tripan ko lang gawing entry dito sa’king virtual home para makita ng iba tapos para matuwa na rin sila.

Humanga ako sa galing ng nagdrowing nito. Kuhang-kuha yung mga steps at may humorous twist pa ang ending. I think, the fact that a boy is dancing a girly dance is already humorous. Yes, it’s a boy and the name’s Lemo. Sabi nung gumawa, incomplete pa raw ‘tong videong ‘to.

“Yes it’s still technically a WIP. But I thought this was a stage that was presentable enough :P

Who knows how long the finishing job will take;;”

So as I’ve said earlier, Lemo ang pangalan nung cute na kalbong character na makikita sa animation. Pero ang original Lemo daw, may buhok. Maangas pa nga dating niya e. Eto siya o.

lemo

***

Speaking of this video, para sa mga hindi pa nakakaalam, (but i doubt it na hindi pa ‘to kalat among the Filipino mass), yung Wonder Girls, isang girl group sa Korea ang kumanta ng Nobody. Sumikat yata ‘tong kantang ‘to dahil dun sa palabas na Boys Over Flowers. Malaking porsyento yata ng populasyong Pilipino ang na-hook sa palabas na yun. Kaya yata pati sa soundtrack e kinawilihan nila. Simula nang mauso yun, every week kapag umuuwi ako sa’min at nakasakay ako ng bus o kahit sa jeep, naririndi ang tenga ko dahil sa ilang beses na pagkakarinig sa kantang yon.

Nung i-take-over ng Wonder Girls ang Philippine airwaves o mga Tagalog na radio stations, dumagdag din sa pag-conquer yung kinabibilangan ng ating pambansang krung-krung na si Sandara, ang 2NE1. Yan tuloy, lalong narindi tenga ko. Sa jeep, sa bus, sa mga batang naglalaro sa kalsada, sa mga tindahan, sa kapitbahay, pati sa dorm hindi nawawala ang mga kantang ‘to na di ko maintindihan ang ibig sabihin.

Di ko lang talaga trip yang genre na tinatawag na K-pop o Korean pop. Pero naaaliw lang ako sa mga pinaggagagawa ng mga Koreanang ito sa kanilang mga sarili. Gaya na nga lang nung nakita kong video ng 2NE1 kung saan yung buhok ni Sandara ay parang kung ano lang na nakatayo sa tuktok ng kanyang ulo. Weird lang kasi ng fashion sense nila e. Ay ewan ko kung sila nga ba yung weird o ako. Basta nawiwirduhan ako sa kanila.

Anyway, ipinagtataka ko lang kasi, bakit naman kaya nawili ang mga tao dun samantalang tingin ko e hindi naman nila naiintindihan yung lyrics nung mga pinagkakakanta nila, maliban siguro sa mangilan-ngilang sumasabit na English phrases? Hay wala lang. Nagtataka lang talaga ako.

***

So sino kaya si Nobody?

Tingin ko, siya si Pinoy na masyadong na-hook sa kultura ng ibang bansa kaya tuloy nakalimutan niyang mas mahalin at tangkilikin yung sariling kanya. Dahil sa ginawa niyang pagkalimot at pagpapabaya, hayun… nawala yung tanging identity niya kaya si Nobody siya ngayon.

Ano’ng Natutunan Mo sa Sermon ni Pastor?

Posted in ano na may mga marka , , , , , , , , on Setyembre 13, 2009 by singkamas

linggo na ulit ngayon. parang kakauwi ko lang dito sa bahay nung friday ah. tapos babalik na ulit ako ng los baños bukas? grabe! kung may pakpak lang siguro ang oras tapos isa siyang ibon, peregrine falcon ang breed niya. ayon kasi sa’king na-research, the said bird is known to be the fastest flying bird. teka, ba’t nga ba napunta na ‘ko sa ibon? ah ayun. sabihin mo mang corny pero naisip ko lang na analogous naman yung sobrang bilis ng paglipad ng oras sa bilis ng peregrine falcon.

heniwey. dahil linggo ngayon, nagsimba ako. na-guilty naman ako kasi tinatamad talaga ‘kong pumunta ng church dahil ang lakas ng ulan tapos malakas din ang hatak ng kama. pinilit ko lang talaga ang sarili kong bumangon kasi male-late kaming mag-anak sa pagsimba. ayaw pa man din ng parents ko na nahuhuli kami sa church.

hay. isa pang dagdag sa guilt ko ay ang hindi ko pagdadala ng Bible ngayon. naiwan ko kasi sa los baños. grrr! kung ano pa yung importante, yun pa talaga ang naiwan.  tsk. tsk. tsk.

hay na naman. ang laki na talaga ng kasalanan ko kay Lord. bukod sa hindi ako nakapagdala ng Bible at tinatamad pa akong magsimba, hindi ako nakapag-focus sa message ng pastor. although i was taking notes regarding sa sermon,wala sa loob ng simbahan ang utak ko. malayang naggagala outside the confines of the church. kung anu-ano naiisip ko pero hindi tungkol dun sa message. naririnig ko nga yung sinasabi ng pastor sa pulpito, pero hindi naman ako nakikinig.

hm. wait. parang lesson pa namin yun sa CE/VE nung high school ah. yung lesson about listening. sabi ng nanay at teacher ko sa Values, there’s a fine line between hearing and listening. ang difference nga lang nila, if you’re listening, involved pati emotions mo at nag-iinteract ka with the person you’re listening to. kapag naman hearing, pumapasok lang sa kanang tenga mo tapos lalabas din kaagad sa kaliwa. hala sori naman. nag-recap daw ba ng high school Values Ed?

heniwey ulit. to cut the long story short, hindi ako nakapag-explain ng matino sa youth group discussion after ng service-proper. nataranta akong intindihin ang mga sinulat ko. nagkandautal tuloy ako sa pagsi-share ng reaction ko dahil in the first place, wala akong reaction kasi hindi nga ‘ko nakinig, di ba?

inihingi ko rin ng tawad kay Lord yung mga ginawa ko ngayon. pero next time, iniiwan ko dapat sa labas ng church ang mga alalahanin ko. dapat yung atensiyon ko kay Lord lang talaga. kaya nga daw pumupunta sa church every Sunday eh not only for the purpose na i-bless tayo ni Lord kundi para i-bless din natin si Lord. so pa’no ko nga naman mabe-bless si Lord kung pagpasok ko pa lang ng simbahan eh nasa ibang dimensiyon na ang lipad ng utak ko?

***

tsk. tsk. tsk. monday na bukas. dadalawin daw ako ng isa kong high school friend. hay. hindi ko alam kung ano’ng ipapalamon ko sa kanya. hmp. dalhin ko na lang kaya siya dun sa Jollibee sa kanto… ay bahala na nga bukas.

Ano’ng Nangyari? Part 2

Posted in ano na may mga marka , , , , , , , , , on Setyembre 12, 2009 by singkamas

***para mas masaya, unahing basahin ang Ano’ng Nangyari? Part 1. pero kung ayaw mo naman, keri lang. kaw bahala.

ala-una ng hapon. hindi ako makauwi ng dorm. malakas ang ulan at wala akong dalang payong – at gamit. mabuti na lang dahil naisip kong tumambay muna sa PhySci lobby. nakita ko sila Krizelle at Gigi.

-Krizelle, pa’no kaya ‘ko uuwi? wala akong dalang payong eh.

-ayan si Gigi oh. sumukob ka na sa payong. papunta yang dorm.

magkaiba ang dorm namin ni Gigi kaya dapat sana mula sa dorm niya papunta sa dorm ko, magpapaulan na lang ako. pero mabait si Gigi. nag-abala pa siyang ihatid ako hanggang sa lobby mismo ng Unit 3.

pahabol na pasasalamat kay Krizelle, na siya palang may-ari ng payong na ginamit namin ni Gigi; at kay Gigi, na kahit mabasa ay inihatid pa rin ako sa dorm. malungkot ang mundo kapag walang mga taong kagaya niyo.

alas-dos y media ng hapon. nakasakay na ako ng jeep palabas ng campus dahil mabilis kong natapos ang Javascript quiz ni Sir Dulds sa CMSC100. pagdating ko sa sakayan ng bus, wala pang ibang mga commuters maliban sa’kin.

-sana may dumating kaagad na bus.

alas-tres ng hapon. wala pa ring bus. naiinip na ‘ko. labinglima na kaming mga naghihintay dito. tsk. tsk. tsk.

wala akong magawa habang naghihintay ng bus. napagdiskitahan ko tuloy magbilang ng mga dumadaang sasakyan.

hay salamat. pagkatapos ng ika-animnapu’t walong sasakyan na dumaan ay makakasakay na ‘ko.

alas-singko ng hapon. aargh! bumper-to-bumper ang traffic!

pagdating ng Muntinlupa nagsimulang bumagal ang takbo ng mga sasakyan. wala pa ring tigil ang buhos ng ulan. sa kasamaang-palad, hindi ako nagdala ng jacket. grabeng pangangatog ng tuhod ang inabot ko dahil sa sobrang lakas ng aircon sa bus na sinakyan ko. itinulog ko na lang para mainda ang lamig na makapanginig-panga.

alas-sais ng hapon. isang oras din akong natulog. nagising ako para malaman na nasa Muntinlupa pa rin ang bus at maramdamang hindi na ‘ko nilalamig. napabuntong-hininga na lang ako sa pagkainip.

napatingin ako sa labas. may nakita akong kung anong lumilipad sa langit, na kung titingnan ay parang UFO. tinitigan kong mabuti. magla-landing lang palang eroplano. unang makikita sa malayo ang maliit at umiilaw na bagay. ilang minuto lang ay isa ng malaking eroplanong lumilipad sa ibabaw ng mga sasakyan. nakakatuwang panoorin ang nakita kong pitong sunod-sunod na eroplanong nag-landing.

alas-siete y media ng gabi. sa wakas, nasa Mantrade na. pero wala pa ring tigil ang ulan at mabagal pa rin ang takbo ng traffic. hay anong oras kaya ako makakarating sa bahay?

nilalamig na naman ulit ako. naiinggit na ‘ko sa katabi kong may jacket.

alas-nuebe ng gabi. grabe! isang sakay na lang, nasa bahay na ‘ko. hassle ang bitbit kong backpack sa pag-akyat sa mataas na overpass. sabayan pa ng walang tigil na ulan.

sa loob ng jeep…

-bayad po. NGI. isang estudyante.

-piso pa.

-manong estudyante po ‘yan.

pambihira naman. piso na nga lang e. pero sabagay, sa panahon ngayon importante na din yung piso.

-paki-abot nga po ‘tong piso. salamat po.

alas-diyes ng gabi. dumating ako ng bahay na basa, nilalamig at gutom. almost 6 hours na biyahe. hay. di bale na. it’s good to be back home and i thank God for keeping me safe and sound.

ala-una y media ng madaling araw. ako na lang ang mulat pa sa buong bahay at gumagamit pa rin ng internet – at nagta-type ng Ano’ng Nangyari? Part 1

woot. na-miss ko ang up-to-sawang paggamit ng internet. sulitin muna habang nasa bahay pa for the weekend.

alas-dos ng madaling araw. hindi ko na tinapos ang Ano’ng Nangyari kaya ginawa kong dalawang parts. dinalaw na ako ng antok. i’ve been up since 4 a.m. kailangan ko ng matulog. siyempre pray muna.

whew. nakakapagod ang araw na ‘to. but, after all, it really is God’s grace that saves the day.